6,815

Longest-running show on Philippine TV

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 389
SEN. TITO SOTTO, VIC SOTTO & JOEY DE LEON SEN. TITO SOTTO, VIC SOTTO & JOEY DE LEON

COME July 30 ay eksaktong apat na dekada na ang longest-running noontime variety show on Philippine television, ang “Eat Bulaga” with Tito (Sotto), Vic (Sotto) and Joey de Leon as main hosts and produced by Tony Tuviera’s Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.), the same man behind APT Entertainment and Triple A Talent Management.

Ang businessman at dating congressman na si Romy Jaloslos ng Production Specialists, Inc. (PSI) ang nakaisip na maglagay ng isang noontime show for RPN-9 at si Tony Tuviera ang nakaisip na kuning hosts ang Tito, Vic and Joey team na kasama na noon sa “Discorama,” isang weekly musical show ng GMA produced ng Program Philippines, Inc. (PPI) ng mag-business partner noon na sina Eddie Ilarde and the late Bobby Ledesma na siyang main hosts ng “Discorama” at ng noontime show na “Student Canteen” with Eddie Ilarde, Laila Benitez and Pepe Pimental (as original hosts).

Ang TVJ ay nagpi-pinch hit na rin noon sa “Student Canteen” na kinabilangan din nina Coney Reyes, Chiqui Hollman, Malu Maglutac, the late Helen Vela and Chat Silayan, among others.

Nang kausapin ni Tony Tuviera ang TVJ, agad pumayag ang tatlo pero hindi sila pumirma ng kontrata dahil ang buong akala nila ay sandali lamang sila sa programa.

Hindi lamang naging mentor at barkada ang turingan ng TVJ at ng TV producer na si Tony Tuviera kundi para na rin silang magkakapamilya na kanilang ipinagpatuloy hanggang ngayon pagkatapos umabot na ng 40 years ang programa na nagpataob ng ilang noontime shows ng iba’t ibang TV network.

Ang “Eat Bulaga” ay nagsimula sa RPN 9 nung July 30, 1979 at tumagal ito sa nasabing TV network sa loob ng 10 taon (1979 to 1989) at pagkatapos ay lumipat ang programa sa bakuran ng ABS-CBN (1989 to 1995) at ang kanilang ikatlong tahanan ay ang GMA since 1995 hanggang sa kasalukuyan.

Kung gaano ka-colorful ang “Eat Bulaga” ay ganun din naging colorful ang buhay ng mga main host na sina Tito, Vic & Joey at maging ng mga taong naging bahagi ng programa.

OTHER TV RECORD HOLDERS AND OFF-CAM SECRETS

KUNG ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” isang action-drama TV series na pinagbibidahan ni Coco Martin sa Kapamilya Network ay malapit nang umabot sa kanyang ikatlong taon sa darating na September, record-holder pa rin up to this time ang family-drama TV series ng “Gulong ng Palad” na pinagbidahan noon ng estranged couple na sina Marianne de la Riva (as Luisa) at Ronald Corveau (as Carding) at kung saan nagsimula ang acting career ng child star pa noong si Romnick Sarmenta (Peping) na tumagal sa ere ng halos walong taon mula 1977 to 1985 mula sa direksiyon ng yumaong director-composer na si Marcial Samson and was aired on BBC (Banahaw Broadcasting Corporation) Channel 2. Ang theme song ng serye ay inawit ng yumaong singer at recording artist noon ng OctoArts International na si Eugene Villaluz. Said song was re-recorded by Eva Eugenio, Nora Aunor, Renz Verano and Jerome Sala. Ang lyrics ng “Gulong ng Palad” ay sinulat ng 1997 National Artist of the Philippines for Music and Literature, ang yumaong si Levi Celerio and was first recorded by the Mabuhay Singers at napasama sa kanilang album na “Tayo’y Umawit” (The Mabuhay Singers)”.

Sa “Gulong ng Palad” TV series nabuo ang pagmamahalan nina Marian at Ronald in real life hanggang sa magpakasal ang dalawa at magkaroon ng dalawang anak na parehong babae. Pero nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa.

Ang “Gulong ng Palad” ay muling binuhay ng ABS-CBN in 2006 na tinampukan nina Kristine Hermosa, TJ Trinidad, Kathryn Bernardo, Roxanne Guinoo, Cherie Gil pero ito’y tumagal lamang sa loob ng apat na buwan (January 9, 2006 to May 12, 2006).

Ang “Gulong ng Palad” series ay nagsimula sa radio (DZRH) which was aired from 1949 to 1956 na tumagal sa ere ng halos pitong taon.

Ang kauna-unahang action-drama TV series na tumagal ng halos limang taon sa ere ay ang “Valiente” produced ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) ni Tony Tuviera na siya ring producer ng long-running noontime show na “Eat Bulaga”. Ang serye ay nagsimula sa bakuran ng ABS-CBN nung 1992 to 1995 at nalipat sa GMA in 1995 na tumagal hanggang 1997. Ang nasabing serye ay tinampukan nina Michael de Mesa, Tirso Cruz III, Glenda Garcia at Mariz (Ricketts).

Ang isa pang serye sa telebisyon na tumagal ng halos limang taon mula August 17, 1992 hanggang February 14, 1997 ay ang “Mara Clara” na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes at kung saan din tampok sina Juan Rodrigo, Beverly Vergel, Eruel Tongco, William Martinez, Noel Colet, Wowie de Guzman, Piolo Pascual, the late Rico Yan, Angelica de la Cruz, Paolo Contis, Christopher Roxas, Anita Linda at iba pa. Sa nasabing serye nagka-debelopan bilang magkasintahan sina Gladys Reyes at Christopher Roxas at maging sina Juday at Wowie Roxas na naging sikreto ang naging relasyon.

Ang “Mara Clara” ay muling binuhay ng ABS-CBN nung 2010 from October 25, 2010 to June 3, 2011 na pinagbidahan ng dating miyembro ng “Goin’ Bulilit” na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes na pareho nang big stars ngayon. Pero ang nasabing serye ay tumagal lamang sa ere ng halos pitong buwan. Gayunman, ito ang naging pasaporte nina Kathryn at Julia sa stardom.