Lipstick ni Maine pinag-uusapan worldwide

September 24, 2018
Maine Mendoza

HINDI pa talaga nawawala ang magic at strong following  ng tinaguriang Phenomenal Star na si Maine Mendoza  (other half of the phenomenal pair na AlDub with Alden Richards) dahil siya ang kauna-unahang Filipina na kinuha ng MAC in Canada to come up with her own (nude) shade called MaineDCM.  Ang nasabing lipstick shade was launched online last September 21 sa pamamagitan ng Lazada at kasunod na rito ang mga shops ng MAC located in all major malls nationwide.  Sa loob lamang ng isang minuto ay na-sold out agad ang stock ng Maine lipstick ng MAC after it was first offered online.  

Ang MAC (which is an abbreviation of Make-up Art Cosmetics) with headquarters in New York City, USA ay bahagi na ng Estee Lauder Companies since 1998.

Ang Maine lipstick shade ng MAC ay first international endorsement ni Maine na abala ngayon sa shooting ng “Jack Em Popoy: The Puliscredibles,” ang pang-2018 Metro Manila Film Festival entry na pinagsasamahan nila nina Vic Sotto at Coco Martin na jointly produced ng CCM Productions ni Coco, M-Zet Productions ni Vic  at APT Entertainment ni G. Tony Tuviera.

Article edited September 28, 2018