8,403 guests

Limited engagement

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 508

Kinang ni Sharon bilang megastar, ’di nawawala

BIRTHDAY ni Sharon Cuneta sa darating na Sabado, Enero 6. Kasunod nito ang selebrasyon ng kanyang
40th year sa showbiz sa January 8.

Bilang handog kay Shawie sa dalawang mahalagang okasyon sa buhay niya, muling mapapanood ang
unang indie movie niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha pero this time, isang limited engagement ito na
gagawin sa Cine Adarna sa UP Diliman sa January 5, simula 2:30 p.m., at January 6, simula 6 p.m.
    
Ang ticket price ay P150 at para sa reservations, tumawag sa 0932-5483636 at hanapin si
Kamille.
    
Gone are the days ng malalaking selebrasyon ni Sharon tuwing January 6 o ’di kaya’y isang
free post-birthday concert sa Araneta Coliseum.
    
Pero hindi pa rin nawawala ang kinang ng pagiging megastar niya, huh!
    
Bukod sa unang indie film, super blockbuster din ang pagbabalik sa big screen nina Sharon at
Robin (Padilla) sa balik-tambalan nilang Unexpectedly Yours.
    
Happy, happy birthday, Shawie!

* * *

STAY pa rin sa Eat Bulaga ang tinaguriang “Catwalk King” na si Sinon Loresca matapos masangkot sa
gulo nitong nakaraang mga araw.
    
Iba naman ang nilikha niyang kontrobersiya kumpara sa ibang EB Dabarkads na nasuspinde sa
programa. Tutal naman, humingi na rin ng dispensa si Sinon kaya tuloy pa rin ang
pagiging Dabarkads niya.
    
Bawas na nga lang ang pagsusuot niya ng short shorts sa programa, huh!
    
Ipamalas na lang niya ang talento niya sa pagpapatawa at bilis ng utak. Enough na ’yung
pagrampa-rampa niya nang walang pakundangan sa suot na two piece at heels, huh!

* * *

DUDUNGISAN ang Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva sa role niyang zombie sa Super Ma’am.
    
Isang malinis at makinis na Gil kasi ang unang tumambad sa manonood sa debut series niya sa
local version ng My Love from the Star kaya siguradong maninibago ang viewers sa muling pagtambad
niya sa TV.
    
Siyempre, zombie kaya naman hindi puwedeng maging malinis ang mukha at katawan ni Gil, huh!
    
Pero may back story naman siyang aabangan at kung ano ang koneksyon niya kay Super Ma’am
Marian (Rivera) bago siya naging zombie.
    
May ilang netizens nga lang na pilya na kahit zombie raw ang role ni Gil, tanggalan siya ng
damit pang-itaas para muling makita ang pinkish nipples niya, huh!