Lea to the rescue sa pamba-bash kay Regine

November 01, 2018
Lea Salonga
Lea Salonga

HANGGANG ngayon ay nababalot pa rin ng kontrobersiya dahil sa bashing on social media ang pagiging bagong Kapamilya ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos nitong lisanin ang Kapuso Network na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon.

Si Regine ay opisyal na naging Kapamilya nang ito’y lumagda ng kontrata nung nakaraang October 17, 2018 na sinundan ng first live appearance nito sa “ASAP Live In Sydney” sa Australia nung nakaraang October 20, 2018 which had its delayed telecast on ASAP nung nakaraang linggo, October 28.

Ang ipinagtataka ni Regine, lumipat lamang umano siya ng TV network at wala umano siyang pinatay na tao at nagpaalam umano siya nang maayos sa mga big bosses ng GMA pero bakit ganoon na lamang  ang pamba-bash sa kanya ng marami sa social media?  To the rescue naman kay Regine ang Broadway star na si Lea Salonga bagay na pinasasalamatan ng misis ni Ogie Alcasid.  Pero sa halip na mag-dwell sa mga natatanggap niyang pamba-bash, gustong maging positibo ni Regine at harapin ang mga bagong hamon at proyekto na ipagkakatiwala sa kanya ng kanyang bagong home studio at kasama na rito ang isang musical-comedy show na pagsasamahan nila ng kanyang mister na si Ogie at pagiging isa sa mga hurado ng local franchise ng “American Idol,” ang “Idol Philippines”