Lea mahirap talunin

October 08, 2018
Lea Salonga

LEA Salonga enjoys her stature as international star.

Hanggang ngayon, wala pa rin nakakatalo sa kanyang na-achieve sa pagiging Broadway star. Thanks to Miss Saigon, the musical that made her of what Lea is now.

No fuzz. No gimmickry. Just pure talent. Kaya naman hindi na niya kailangan umiyak o mag-drama pa 'pag may project na pinu-promote para lang mapansin. Gaya na lamang itong kanyang anniversary concert na "Lea Salonga: The 40th Anniversary Concert." Bukod sa presscon, hindi na niya kailangan pang mag-ingay dahil sold-out na pala ang kanyang two-day concert sa darating na October 19 at 20 sa PICC. Well, that's Lea - effortless.

May sariling audience itong si Lea. Mga bumibili talaga ng kanyang tiket. In short, class ang crowd niya. Kaya naman laging PICC ang kanyang venue sa tuwing magku-concert siya. Sa totoo lang, wala naman siyang dapat patunayan pa.

Pero bakit may ibang singer na wala namang solid crowd ay ang lakas ng loob na mag-concert sa Big Dome? Just asking...