Kyline, sunud-sunod ang awards

September 17, 2018
Kyline Alcantara

After her successful Kyline Take FL16HT birthday concert at Skydome last September 8, busy na ngayon ang La Nueva Kontrabida na si Kyline Alcantara sa pagpo-promote ng kanyang self-titled debut album mula sa GMA Records.

Nauna nang ini-release ng GMA Records ang debut single ng Bicolana actress na Fake Love at pumalo agad ito sa ikatlong puwesto sa New Music Friday Philippines chart ng Spotify.

Nakatakda namang i-release ang physical copies ng debut album ni Kyline sa September 19.

Samantala, pagkatapos namang tumanggap ng karangalan bilang New Recording Artist of the Year sa 10th PMPC Star Awards for Music, isa pang award ang tatanggapin ni Kyline mula naman sa Alta Media Icon Awards 2018 bilang Most Promising Female Star for TV.

“Sobrang nagpapasalamat lang po ako sa mga blessing na dumarating sa akin. Maraming salamat sa GMA Network at GMA Artist Center (GMAAC) sa tiwala nila sa akin at sa lahat ng aking Sunflowers, para sa inyo ito,” bulalas ng 16-year old Kapuso star.

Tagged Under