Kyline, lalaban sa Singapore

November 03, 2018
Kyline Alcantara
Kyline Alcantara

Excited ang La Nueva Kontrabida na si Kyline Alcantara sa unang biyahe niya outside the country na nag-coincide pa sa isang malaking event sa Singapore sa Disyembre.

Isang malaking kara-ngalan para sa Kapuso teenstar at honored si-yang kilalanin bilang national winner ng Asian Academy Creative Awards (AACA) sa kategoryang Best Actress in a Supporting Role para sa pagganap niya sa Kambal, Karibal ng GMA Network.

Malalaman sa December 7 kung masusungkit niya ang karangalan at maiuuwi niya ang tropeyo sa Pilipinas.

Maliban sa nominasyon niya sa Asian Academy, kinilala na rin si Kai bilang Female Recording Artist of the Year (para sa awiting Sundo) at Best Supporting Actress (for her role in Kambal, Karibal) sa PMPC Star Awards for Music at Star Awards for TV, respectively, at Most Promising Female Star for TV sa Alta Media Icon Award 2018.

Nominado rin ang Kapuso star bilang Most Outstanding Female TV Actress sa 2019 Gawad La Sallianeta along with Glaiza de Castro (Contessa), Maja Salvador (Wildflower), Liza Soberano (Bagani), Megan Young (Step Daughters) at maraming iba pa.

Kamakailan lang, Kyline was launched as the first celebrity endorser ng Symply G (owned by Mr. Glenn Sy and headed by Mr. Marlon Fajardo bilang National Brand Manager and Wheyee Lozada bilang PR/Marketing head).

Habang hindi pa nagsisimula ang bagong project niyang Inagaw Na Bituin with Therese Malvar, Sunshine Dizon, Angelica dela Cruz, Angelu de Leon, Migo Adecer at Marvin Agustin, abala muna ang Bicolana actress sa Studio 7 at Sunday PinaSaya tuwing linggo at promo ng kanyang self-titled album mula sa GMA Records.