5,313

Kris rumampa sa hollywood

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 259
Kris Aquino, with  son Bimby Aquino Yap, attends the premiere  of Warner Bros. Pictures' ‘Crazy Rich Asians’  in Hollywood, California. Kris Aquino, with son Bimby Aquino Yap, attends the premiere of Warner Bros. Pictures' ‘Crazy Rich Asians’ in Hollywood, California.

KAHIT special guest appearance lamang bilang si Princess Intan ang role na ginampanan ng dating Presidential daughter and sister na si Kris Aquino sa all-Asian cast Hollywood movie adaptation ng top-selling book na “Crazy Rich Asians” na sinulat ng Singaporean book author na si Kevin Kwan, Queen of All Media made her presence felt at the Hollywood red carpet premiere of the movie na ginanap sa TCL Chinese Theatre on Hollywood Blvd. in Los Angeles, California last Wednesday night, August 7.

Clad in her Michael Leyva yellow gown, kasama ni Kris bilang escort ang bunsong anak na si Bimby.

Ayon sa ating mga kababayan na nakasaksi sa pagdating ni Kris, hindi puwedeng hindi mapansin ang presence ni Kris dahil sa kulay ng kanyang gown, ang favorite color ng mga Aquino na dilaw.

Here’s the account of our friend from L.A., ang Hollywood Filipino reporter na si Oliver Carnay: “Hi Tita Aster. I did not attend the actual premiere which was held at the Chinese Mann’s Theatre on Hollywood Blvd. but there were live coverages from Kris’ own IG, and Michael Leyva's (where she is seen wearing his yellow gown). I’ve watched the movie last night (Aug. 6) during a special screening at Arclight Theatre (I invited Jun Lalin to go with me).

"One liner lang siya (Kris) at wala pang 15 seconds ang dialogue. After that mga back shots na…she had about 2 frame shots before her dialogue with Constance Wu (leading lady), indicating she is Princess Intan, the snobbish princess. Later she was seen chatting (no dialogue), montage lang na ka-chika na niya 'yung leading lady.

"The story is predictable, formula movie, parang Star Cinema. Some of the jokes (of) like Ken Jeong maybe hindi makaka-relate ang mga Filipino. There are many characters but hindi mo masusundan ang iba. Malilito ka kung di ka familiar dun sa mga Chinese or Malaysian actors. Si Carmen Soo, 2 scenes lang siya and hindi naman markado. Si Nico Santos na Fil-Am actor (known for his TV series role in “Super Store”) ay mas visible together with Awkwafina because they supplied the comedy factor sa pelikula. Hindi ko type 'yung ending. I think mas maganda kung naiba 'yung last part para mas grandioso. Si Harry Shum, Jr. (sumikat sa TV series na “Glee”) ay nasa above billing pero ni walang dialogue and hinabol lang pagkatapos ng credits 'yung part niya na tumayo lang yata. Nakapagtataka kasama ang billing niya with the cast members. Si Kris Aquino naman, magbibilang ka mula sa pinakakulelat sa billing, siguro mga pang-walo o pang-sampu siya.”

"Ang leading lady ng “Crazy Rich Asians” na si Constance Wu (na gumanap as Rachel Chu in the movie) ay bumaba mula sa kanyang black Jaguar car at rumampa sa red carpet na suot ang silver Ralph and Russo couture gown with matching Lorraine Schwartz jewelry. Ang kanyang leading man na si Henry Golding (who played Nick Young) ay nakasuot ng light blue Tony Ford Shelton suit jacket. Ang iconic actress na si Michelle Yeoh ay suot ang aubergine and black tiered Armani Prive’ strapless gown. Suot naman ni Awkwafina ang isang dusty pink Reen Acra ball gown with matching Giuseppe shoes pero naging dramatic naman ang entrance ng isa sa cast na si Gemma Chan na dumating sakay ng isang red Ferrari at suot nito ang isang glittery Oscar de la Renta sheath dress with Choppard jewelries. Si Jimmy Yang naman ay naka-custom-made suit by Ge Wang ng ESQ in Chicago habang ang actress na si Tan Kheng Hua ay suot ang isang silky-black wrap dress na gawa ng Singaporean designer na si Thomas Wee. Ang Filipino designer na si Michael Leyva naman ang gumawa ng stunning yellow gown ni Kris Aquino."

Hindi man kilalang star sa Hollywood si Kris, very proud sa kanya ang ating mga kababayan laluna ang mga naka-witness sa kanyang pag-rampa sa red carpet premiere ng “Crazy Rich Asians” sa TCL Chinese Theatre in Hollywood.

At ang Warner Bros. na siyang distributor ng pelikulang “Crazy Rich Asians” (which will hit the US theatres this August 15 at sa Pilipinas on August 22) ay dapat magpalasamat sa kanya dahil siya lamang ang kaisa-isang nagpu-promote ng pelikula sa Pilipinas through social media na pini-pick-up ng iba’t ibang entertainment platform sa bansa.

Kahit very brief ang appearance ni Kris sa kanyang first Hollywood movie, tiyak na maraming Pinoy ang curious na mapanood ang “Crazy Rich Asians” because of her.

Makakabangga ng “Crazy Rich Asians” movie on August 22 ang local movie adaptation ng 2013 South Korean hit movie na “Miss Granny” na pinagbibidahan ng Pop Princess at box office star na si Sarah Geronimo with James Reid and Xian Lim mula sa direksiyon ng box office director na si Joyce Bernal under Viva Films.

SUE LUMAYO SA BF DAHIL SA WIFI

ANG 22-year-old Fil-Am Kapamilya actress-singer na si Sue Ramirez ang nasa title role ng pelikulang “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” mula sa panulat at direksiyon ng premyadong writer-director na si Jun Lana. Ito’y produced ng The IdeaFirst Company (ng mag-partner na Jun Lana at Perci Intalan), Cignal Entertainment at October Train. Ang nasabing pelikula ay isa sa walong opisyal na kalahok sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula ngayong August 15 hanggang August 21 with an extension sa mga pelikulang malalakas sa takilya.

Bukod kay Sue, tampok din sa “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” sina Jameson Blake, Markus Paterson kasama sina Boots Anson Roa Rodrigo,Yayo Aguila, Lee O’Brien, Candy Pangilinan Kiko Matos at iba pa.

Ang kuwento ng “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” ay tungkol kay Norma (na ginagampanan ni Sue), isang typical millennial na dependent sa wifi sa kanyang pang-araw-araw na buhay laluna sa kanyang pakikipag-communicate sa kanyang mga kaibigan at boyfriend na si Leo (Markus Paterson). Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng kakaibang allergy si Norma sa wifi na naging dahilan para siya’y lumayo at tumira sa kanyang maternal grandmother na ginagampanan ni Boots Anson Roa na nakatira sa isang lugar na hindi inaabot ng wifi. Magkakaroon naman siya ng koneksyon sa kapatid ng kanyang BF (Leo) na si Aries (Jameson Blake) para maging normal ang kanyang buhay malayo sa kanyang nakasanayan sa siyudad. Ang pelikulang “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” hits the movie theaters nationwide on August 15.