Kris, pinatawad ang nanloko

October 29, 2018
Kris Aquino

Ang positive ng post ni Kris Aquino sa social media ng quotation card na “TODAY I DECIDED TO Forgive You. Not Because You Apologized, Or Because You Acknowledged The Pain That You Caused Me, But Because My Soul DESERVES PEACE.” 

Sinundan ni Kris ng caption na “In my heart i know this is the 1st step of healing... i discovered @rupikaur_ and @najwazebian because of @instagram and i love their soulful writing.”

Pinuri si Kris ng followers niya for having a forgiving heart, pero pina-yuhan din siya na ipagpatuloy ang pagpu-pursue ng justice sa gumawa sa kanya ng malaking kasalanan.

Hindi naman yata nakalimutan ni Kris ’yun dahil hindi ba at nag-file na siya ng kaso sa taong may atraso sa kanya.

Samantala, sinusunod ni Kris ang payo ng kanyang doctor na iwasan ang stress at pagkatapos ng trabaho ay magpahinga siya.