4,557

Kris, may pa-flowers kay Kim

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 354

Piolo, tatapatan si Inigo!

May pa-flowers si Kris Aquino para sa favorite actress niyang si Kim Chiu who’s celebrating her birthday on April 19 na ka-birthday pa ng bunso niyang anak na si Bimby.

Napakaganda ng flower arrangement na ibinigay ni Kris  kay Kim  na  consisting of pink and red roses. Sa tantiya namin ay nasa 4 or 5 dozens siguro ’yun dahil ang laki-laki nito.

Ayon sa caption ni Kris, inorder daw niya ang flowers bago sila tumungo ng Japan few days ago.
    
“@chinitaprincess will always be special. We sent our birthday flowers yesterday (ordered them from @petalier_ before we left)... when i woke up i saw she sent me a pic saying thank you.
    
“To Bimb’s ka-birthday, here’s to LOVE, LAUGHTER, and of course -- happily ever after. Up or down, busy or not -- saan man ako, her love & concern for me never changed. That’s why i know she’s the real deal. Happy birthday Kimmy (19 April 1990) WE LOVE YOU!!!” ang caption ni Kris sa Instagram post na larawan ni Kim na hawak ang flowers.

Nag-post din ng kanyang pasasalamat si Kim sa kanyang IG Stories. Aniya, “thank you ate! Miss you so much!!! See you soon! Happy birthday to me! And Bimb also.”

Ovbiously ay natuwa si Kim dahil may caption din siyang “Goodnight!!! Still can’t get over!!!” habang hawak ang flowers na ipinadala ni Kris.
    
Pati ang fans ni Chinita Princess ay natuwa at nagpasalamat din kay Kris sa love na ibinibigay nito sa kanilang idolo.

* * *

The last thing na gustong mangyari ni Piolo Pascual sa kanyang career ay dumating ang panahong pati ang anak niyang si Inigo Pascual ay makakumpetensiya niya pa.
    
“’Yun ang the last thing you want -- to compete with your own offspring,” natatawa niyang sabi.
    
Pero aniya, still ay grateful naman daw siya na sa dami ng mga bagong artista ngayon ay nandidito pa rin siya.
    
“The mere fact that I’m still in the business after 20 years, you know I’m just really grateful for the chance that’s given me and that alone makes me humble na because of this, parang any moment, one day, I’ll just wake up, wala na lahat ’yan, so I’m just really taking advantage of this time and the kind of opportunity that the Lord is giving me,” saad ni Papa P.
    
Pero kahit daw sa ibang artista, ayaw naman din daw niya siyempreng makipag-compete.
    
“Ang mantra ko sa buhay kasi eversince, you don’t compete with anyone, you don’t compare yourself to another person para hindi ka masaktan.
    
“Pero umabot na ako sa puntong you know, you actually don’t compete or race against yourself, but you race against time. So, time is all I have right now. So, I’ll make sure na gagamitin ko nang maayos ’yung time na ibinigay sa akin,” sey pa ng aktor.
    
For 20 years, nakakatuwa nga namang na-maintain ni Piolo ang kanyang kasikatan. He’s still being considered as one of our top leading men sa kabila ng napakarami na ring mga sikat na batang artista ngayon.
    
Tulad nga ngayon, sa panahong ang usung-uso ay mga teleserye ng mga magkaka-loveteam, he’s still being given his own drama series, ito ngang Since I Found You na nagsimula na kagabi sa primetime slot ng ABS-CBN. May sitcom pa siyang Home Sweetie Home at ASAP every Sunday.
    
Kaya nga aminado ang aktor na talagang ang dami niyang dapat ipagpasalamat dahil sa mga walang tigil na blessings na ibinibigay sa kanya.