Kris, hinoldap ni Ogie!

October 22, 2018
Kris Aquino

Maganda ang na-share ni Ogie Diaz tungkol kay Kris Aquino at sa pagtulong nito sa advocacy ni Ogie na Kasuso Foundation sa East Avenue Medical Center, Quezon City last Saturday.

Heto ang sinabi ni Ogie sa harap ng breast cancer patients and survivors: “Na-touch ako kay Kris... Nang-hoholdup ako ng mga kaibigan para sa inyong lahat! Siyempre, gusto kong pasalamatan...hindi magiging posible ang pagtunntong ko rito, kundi ko naharbatan, kung hindi ko naholdap... 

“Alam nyo ba, merong isang artista. Tinext ko siya. Sabi ko, Mare. Baka pwede ka namang mag-ano, um-appear o mag-donate.

“Sabi niya, ‘Pare, meron akong importanteng lakad sa araw na ‘yan. Pero magpe-pledge ako ng ONE HUNDRED THOUSAND PESOS.’

Patuloy ni Ogie, nahiya siya nang maalalang may health problem din si Kris at may kaso sa business nito. Tinext niya uli si Kris at sinabing nahihiya siya, ang sagot ni Kris, “Pare, walang problema. Ako ang pagagalitan ng mommy ko pag hindi ako tumulong sa may kanser.”

Nagpalakpakan ang breast cancer patients at survivors at nagpasa-lamat ang kababaihan kay Kris. Pero, hindi ito ang first time na may tinutulungan si Kris, ang karamihan lang ay ayaw na niyang ipa-sulat.