Kris, extended ang ‘wellness vacation’

September 16, 2018
Kris Aquino

Hindi pa rin nakababalik ng bansa si Kris Aquino mula sa extended wellness vacation niya kasama sina Josh at Bimby para sa kanyang physical and emotional health. Pero alam nito ang good news na mabenta ang Snail White Whipp Soap na dadalhin sa bansa ng kanyang KCAP Productions mula sa Thailand.

Pinost lang ni Kris na ginagamit niya ang Snail White Whipp Soap, mas lumakas ang benta kahit sa online pa lang available sa ManilaBeauty.com. Sa sobrang in demand ng soap at ibang Snail White Products, nag-crash ang site nito at sold out ang soap, at ngayon, sa direct marketers naghahanap ang buyers.

Nag-post si Kris ng “THANK YOU for the initial SOLD OUT interest in SNAIL WHITE.” Dagdag pa ni Kris, magiging available ang Snail White Whipp Soap sa Watson’s sa September 21 at sa Lazada sa Sept. 24.

Tagged Under