7,172 guests

Kris denied of what she loves most

  • Written by Remy Umerez
  • Published in Showbiz
  • Read: 520
Kris Aquino Kris Aquino

ANG social media ang playground ni Kris Aquino ngayon. At kung being talked about ay basis ng pagiging popular, then walang dudang si Kris ito. Suki siya ng netizens at entertainment columnists. Publicity, whether good or bad or even imagined ang inaalmusal ni Kris.

Kaya lang, despite all the attention she is getting ay wala pa rin sumusugal para makabalik siya sa telebisyon which has been her second home sa loob ng maraming taon. Maging ang pagsusumamo ni Willie Revillame na kunin siya ng GMA ay nauwi sa wala.

How painful it must be that for all the riches Kris has, she has been denied of the one thing she loves doing most: Hosting a talk show.

Mahilig din lang si Kris sa hula-hula and what good (or mis)fortune 2018 has in store for her, subukan kumonsulta sa mga feng sui expert . Who knows, baka it will be a kinder year for her?

NO PEACE FOR JLC AND ELLEN FROM THE NETIZENS

KALAT na ang tsismis that it will be a beach wedding for lovebirds  John Lloyd Cruz and Ellen Adarna. Ang pagsisiwalat na ginawa ni Lolit Solis ay mukhang hindi nagustuhah ng groom -to-be. Ang observation ng marami ay gusto ni JLC na maging very private ang kasalan.
    
But don't forget that Lolit is no ordinary reporter who is just doing her job. She is an expert in researching at marami siyang sources. Ang dapat sigurong ginawa ni John Lloyd at Ellen is implement a vow of secrecy on people na pinagsabihan nila ng kanilang plano.
    
Or if they want to keep their wedding very, very private ay gawin nila ito on an isolated island  na pwede lang marating through a helicopter.
    
Malayo pa  ang itatakbo ng relasyong  John Lloyd at Ellen even after she delivers her child. Marami pang magsusulputang haka-haka coming from the creative and destructive minds of the netizens.
    
Hindi nila bibigyan ng kapayapaan ang controversial couple.

DR. LOVE PUMALAG SA CALLER

MASAYANG ibinalita ng radion host na si Jun Banaag, aka Dr. Love na napanood niya ang pelikulang "Ang Larawan" and liked it. Curiously, a caller asked Dr. Love kung ilang tao sila sa loob ng sinehan. Minasama ni Bro. Jun ang tanong even calling it senseless sabay bweltang "hindi  ako  nanood ng sine para magbilang ng tao." He really lost his cool, I thought.
    
Dapat ay nag-elaborate ang caller kung bakit ganoon ang tema ng tanong niya. Kulelat sa takilya ang "Larawan." In fact ay napull-out pa nga ito sa ilang sinehan only to bring it back after winning the major awards tulad ng best picture at best actress.
    
Ang gusto sigurong malaman ng caller ay kung after winning the major awards ay nag-improve ang attendance para sa pelikula.

VERY CREDIBLE AND DEAD SERIOUS JUDGES

EVERY now and then ay pinapanood namin ang Tawag ng Tanghalan sa Showtime. Aprub na aprub kami kung ang line-up ng mga hurado ay binubuo nina Rey Valera, Ogie Alcasid, Louie Ocampo, Erik Santos at Gary Valenciano. Very credible.
    
Doon naman sa beki pageant na Q and A, a female judge is so serious in her comments na para bang Miss Universe pageant ang nagaganap. Really now, you don't have to be dead serious. It is all for fun, the segment that is.