Kris, biktima ng financial abuse at betrayal

September 24, 2018

Makukulit din ang ibang tao, sinabi na nga ni Kris Aquino na hindi siya tatakbo sa 2019 midterm election, ma-rami pa rin ang nag-i-insist na tatakbo siya.

Kris Aquino

Kaya muli itong nag-post ng “ALLOW ME TO FIRMLY SAY THAT I WON’T SEEK ANY NATIONAL ELECTIVE POST IN 2019.” 

Pinost din ni Kris ang result ng latest survey na nasa number 21 siya sa list at number 20 ang pinsan niyang si Sen. Bam Aquino. 

May comment dito si Kris, “HINDI PO AKO TATAKBO PARA SA SENA-DO IN 2019. It is unfair to my cousin @bamaquino that in this Pulse Asia poll and Aquino who has stated many times that SHE won’t run for the senate in 2019 had to be included.” 

Anyway, nagpasa-lamat si Kris sa Chowking na dinelay ang TVC shoot niya hanggang sa kanyang paggaling. Na-stress si Kris sa pinagdadaanan ng KCAP Productions at dahil sa pinost nito tungkol sa financial abuse and betrayal, curious ang marami kung sino ang taong sinayang ang trust ni Kris para lokuhin siya sa pera.

Ang top notch lawyers na sina Atty. Sig Fortun at  Atty. Florin Hilbay ang kinuha nitong legal term sa sabi nitong, “to get the JUSTICE i deserve.”

Tagged Under