7,365

Kris at Mayor Herbert huling magka-holding hands

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 591

KAHIT dalawang beses na-abort ang planong pagpapakasal nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino, nananatiling magkaibigan ang dalawa hanggang ngayon. Kaya hindi kataka-takang muling makita ang dalawang magkasama sa block screening ng pelikulang “Kasal” nina Bea Alonzo, Derek Ramsay at Paulo Avelino sa Trinoma nung gabi ng Huwebes, May 17 kasama ang mga kaibigan at staff ni Kris sa kanyang sariling production, ang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

May mga nakakitang magka-holding hands pa sina Mayor Bistek at Kris sa labas ng sinehan. Ibig kayang sabihin na muling nagkabalikan ang dalawa o friendly holding hands lang `yon?

Ang isa pang tanong: Sino kaya ang nagyaya kanino? Malamang daw na si Kris.

May mga nagsasabi na may `unfinished business’ pa between Kris at Mayor Bistek kaya hindi kami magtataka kung silang dalawa pa rin ang magkatuluyan balang araw.

Kung masaya nga naman ngayon ang ex-husband ni Kris na si James Yap sa piling ng kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola and their son na si Michael James at madadagdagan pa ng bagong baby next month, deserve din naman ni Kris ang lumigaya. But Kris should not compete with the man she’s going to marry someday for their relationship to work out.

NEW DOT SECRETARY BERNA, HINIHINTAY NA ANG PAGRE-RESIGN NI CESAR?

YOUNG widow and former Dept. of Agriculture Undersecretary Bernadette Romulo-Puyat is the new Dept. of Tourism Secretary. And even if she’s only a week’s old in her new post, she immediately buckled down to work and one of her priorities is to clean up the department from corruption as instructed to her by President Rodrigo Duterte. Hiningi rin ni Sec. Berna ang courtesy resignation ng mga undersecretaries to give her the free hand to appoint and hire people na alam niyang makakatulong sa kanya at sa Dept. of Tourism na kanyang pinamumunuan ngayon.

Isa sa mga nag-submit na ng courtesy resignation ang DoT Undersecretary na si Ricky Alegre plus eight others. Kasama na rin kaya rito si Kat de Castro (Katherine Chloe Sinsuat de Castro), anak ng veteran radio and TV journalist at dating Vice-President na si Noli de Castro?

May mga naghihintay naman sa courtesy resignation ng actor-director-producer at na-appoint na Tourism Promotions Board head na si Cesar Montano lalupa’t nahaharap ito ngayon sa isang P80-M Carinderia Project controversy (out of P320-M budget of the said project).

Cesar is now on holdover capacity sa kanyang posisyon dahil nag-expire na umano ang kontrata nito.

Ipinahayag din ng bagong DoT Secretary na hindi umano siya papayag na gawin sa Pilipinas ang 2018 Miss Universe due to budget constraint at mas marami pa umanong ibang mas mahahalagang proyekto ang dapat tutukan.

Si Sec. Berna ay isa nang single parent sa kanyang dalawang anak matapos sumakabilang buhay ang kanyang bar topnother lawyer husband na si Atty. David Puyat dahil sa atake sa puso in 2010 habang ito’y naglalaro ng football.

Kasintahan naman ngayon ni Sec. Berna si Rep. Charlie Cojuangco (ng 1st disctrict ng Tarlac) na sumakabilang-buhay na rin ang misis, ang dating beauty queen-actress-TV host-politician na si Rio Diaz (nakababatang kapatid ng kauna-unahang Filipina Miss Universe-turned actress na si Gloria Diaz) in 2004.

Ngayong mas busy na si Sec. Berna sa kanyang bagong trabaho bilang Tourism Secretary, hindi naman kaya mag-suffer ang relasyon nila ni Cong. Charlie dahil sa kanilang kawalan ng oras para sa isa’t isa?

Samantala, si Sec. Berna ay anak ng dating senador, executive secretary, Finance Secretary, Budget Secretary and Sec. of Foreign Affairs na si Alberto Romulo. Kapatid siya ng dating kinatawan ng lone district ng Pasig na si Atty. Roman Romulo na mister naman ni Shalani Soledad.

Si Sec. Berna ang ipinalit ni Pang. Rodrigo Duterte sa nag-resign na DOT Secretary na si Wanda Tulfo-Teo amid the P60-M tourism advertisement controversy sa PTV4.

BARBIE AT PAUL BREAK NA?

MUKHANG totoo siguro ang balita na single ngayon ang 19-year-old na si Barbie Imperial dahil break na sila ng kanyang boyfriend na si Paul Salas.

Si Barbie ang leading-lady ngayon ni JM de Guzman sa panghapong TV series na “Precious Hearts Romances: Araw Gabi”. Ito bale ang comeback TV project ni JM matapos siyang lumabas ng rehab na may kinalaman sa ipinagbabawal na droga at biggest break naman para kay Barbie,

Si Paul naman ay balik-Kapuso matapos itong maging contract artist ng Star Magic ng ABS-CBN.

Nababagalan marahil si Paul sa takbo ng kanyang career sa Star Magic kaya nagdesisyon siyang bumalik sa Kapuso Network kung saan naman talaga siya nagsimula bilang kalahok sa Starstruck Kids in 2004 at nakapanabayan pa niya sina Miguel Tanfelix at Bea Binene.

MGA ANAK MAS MATANGKAD KAY AGA

MAS matangkad pa kay Aga Muhlach ang dalawa niyang anak na lalake na sina Luigi at Andres Muhlach na parehong 6’1” ang height ngayon.

Si Luigi ay anak ni Aga sa actress na si Janice de Belen bago pa man niya naging misis ang dating beauty queen na si Charlene Gonzales-Muhlach. May tatlo na ring apo si Aga kay Luigi.

Si Andres (16) ay twin brother ni Atasha who is much much shorter kay Andres.

Kung gugustuhin ni Andres na mag-focus sa basketball ay malaki ang potential nitong maging basketball star balang araw. Luigi, on the other hand, ay mas gustong i-prioritize ang kanyang pagiging chef.

Aga is mighty proud of his kids na sina Luigi and twins na sina Andres at Atasha. Sa ngayon studies ang priority ng kambal nila ni Charlene kesa mag-showbiz.