4,540 guests

Korean actor Jin Ju-Hyung, malambing sa mga Pinoy!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 603

MAHILIG mang-asar ang Korean actor na si Jin  Ju-Hyung na isa sa leading men ni Devon Seron sa Korean
film na You With Me na showing bukas (Sept. 27). 

Asar-talo si Devon tuwing binabanggit ni Jin ang pangalan ni James Reid na naging ka-close noon
ni Devon habang nasa PBB house pa sila. Ayon kay Jin, sa Google niya nalaman ang
tungkol kina Devon at James kaya during the presscon, tinutukso niya ito sa boyfriend ni Nadine Lustre.
    
Halatang at home si Jin sa mga Pinoy. Lumalabas ang humor nito habang nagpi-presscon.
    
Maging sa photo op with the entertainment press ay magiliw din si Jin. Hindi ito nag-iinarte.
Bumaba pa nga siya mula sa stage para lang mapagbigyan kami na magpa-picture.
    
Ang sabi namin sa kanya, “Jing, come down, I have a broken leg and I can’t go there.”
    
Aba, bigla ngang bumaba ng stage ang gwapong K-Drama actor at umupo pa sa tabi namin para
makipag-selfie at magpa-picture.
    
Nagpaunlak din siyang makipag-selfie sa fans at sa iba pang taga-media.
    
Sa interbyu ng press kay Jin, balak niyang mag-stay sa Pilipinas at i-try ang showbiz dito. Why
not? Pasado ang kagaya niyang walang attitude problem.
    
Anyway, celebrity premiere ngayong Martes (Sept. 26), 5 p.m.,  ng You With Me sa Trinoma  Cinema
7. Kung wala sa presscon ang isa pang leading man ni Devon na si Hyun Woo, sinigurado ng dalaga na
dadating ito sa sinehan para manood at makasama ang fans.

Well, aabangan namin kung kasing giliw at lambing din ni Jin itong si Hyun.
    
Samantala, umaasa ang fans and supporters ni Devon na pagkatapos niyang magbida sa You With Me
ay mapapansin na siya ng ABS-CBN at mabibigyan ng magagandang role.
    
Naikuwento noon sa amin ni Devon na tinangka na niyang mag-quit sa showbiz kaya lang dahil bread
winner siya kaya hindi niya ito itinuloy.
    
Very thankful din siya na nakapasa sa audition kahit pa gatecrasher auditionee lang siya. Hindi
raw niya ini-expect na bibida siya sa isang Korean Film.