7,911 guests

Konti

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 590

John Lloyd, babad kay Ellen

Puro sa Syquia apartment ni Ellen Adarna ang location ng posts sa socmed ni John Lloyd Cruz. Ang dating
nito sa netizens, babad siya kay Ellen and he spends most of his time sa pad nito.

Pati sa pagwu-workout, sa bahay ni Ellen na rin niya ginagawa at may mga pinu-post siyang
picture sa Malate area kung saan nakatira si Ellen.

Ang latest post ni John Lloyd sa kanilang dalawa ni Ellen, nasa bed sila na mukhang bed ni Ellen
at ang caption ay “sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. I’ll always
be grateful.”
    
Pero siguro naman umuuwi pa sa bahay nila si John Lloyd, enjoy lang siya ngayon sa apartment ni
Ellen.
    
Pansin namin, kumokonti ang bashers ng dalawa. Happy na siguro sila sa relasyong meron sina John
Lloyd at Ellen at dumarami ang kinikilig na fans.

* * *

Nag-pictorial na sina Barbie Forteza at Ken Chan para sa Regal Films movie nilang This Time I’ll Be
Sweeter  na November 1 ang playdate. Sa direction ni Joel Lamangan, the movie is about giving love a
second chance.
    
Katas ng success ng rom-com series ng GMA-7 at pagsikat ng loveteam nina Barbie at Ken ang This
Time I’ll Be Sweeter. Ipapakita ng KenBie loveteam na hindi kailangang maging real ang relationship para
maging successful ang loveteam nila.
    
“Ayokong magsinungaling, ayokong lokohin ang tao at ganu’n din si Barbie. Hindi namin kailangang
ma-in love to be a loveteam. Ang importante, hindi man kami BF/GF, alam naming espesyal kami sa isa’t
isa. Ang seven years friendship namin ang aming foundation,” wika ni Ken.
    
“Mas mature ang story ng This Time I’ll Be Sweeter sa Meant To Be at maganda ang  message na may
mga taong worth the wait at may mga taong nababago dahil sa love. Tapos na kami sa shooting at magda-
dubbing na lang kami,” sabi ni Barbie.
    
Ready na sina Barbie, Ken at buong cast sa mall tour na gagawin to promote the movie. Naghahanap
na lang ang Regal ng singer na kakanta ng theme song ng movie sa mall show at sa movie.

* * *

Kabilang sina Ricky Davao at Janice de Belen at mga karakter na ginagampanan nila sa My Korean Jagiya
bilang sina Tita Josie at Aida ang nagpapatawa at nagbibigay saya sa viewers ng rom/com series. Mas
sasaya pa ang kwento nila  dahil mag-aagawan sila kay Raymart Santiago.
    
This week na magsisimula ang kompetisyon ng magkapatid na Tita Josie at Aida sa atensyon ni
Mario (Raymart) at kung iba’t ibang luto ng pechay ang panlaban ni Aida para mahalin siya ni Mario, si
Tita Josie ay saging. May double meaning ang dialogue nila, mabuti at SPG ang rating ng My
Korean Jagiya at late ang airing.
    
Pinapayagan ni Direk Mark sina Ricky at Janice na mag-adlib sa kanilang mga eksena kung may
oportunidad at kung makakaganda sa eksena.
    
Pero nagpapaalam sila kay Direk Mark at may rehearsal sila. Sabi ni Janice, masaya sa taping,
masakit naman ang lalamunan ni Ricky dahil madalas siyang nakasigaw sa scene niya.
    
Outside of My Korean Jagiya, enjoy sa kanilang mga apo at alagang aso sina Ricky at Janice. Si
Ricky may isang apo na ang tawag sa kanya ay “Ricky” at may three dogs.
    
Si Janice tatlo na ang apo na ang tawag sa kanya ay “Jaja” at may 11 dogs at isa pang
nagpapasaya sa kanya ay ang favorite na Korean stars at K-dramas.