4,822

Kompanya ng ini-endorse ni Alden dedma sa pang-ookray!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 2880

Ipapakilala this Tuesday sa isang presscon si Alden Richards bilang brand ambassador ng Cookie’s
Peanut Butter. Bago ang presscon, itinaas na ang billboard ni Alden at may mga press releases na
sa pagiging endorser niya ng brand ng peanut butter na gawa ng Cookie’s Peanut Butter Company. 

Sina Cookie Yatco, president ng Cookie’s Peanut Butter Company at Joy Abalos-Yatco ang
kumuha kay Alden na endorser ng locally made product na sabi ng mga nakatikim na ay masarap. 

Deadma ang mga Yatco at si Alden sa pang-ookray na small company lang ang Cookie’s Peanut
Butter. Importanteng marami silang natutulungang manggagawa na nagkaroon ng trabago dahil sa
Cookie’s Peanut.
    
Samantala, ang Haligi ng Pangarap tampok sina Alden at Tirso Cruz III ang pambuwena mano
ng Lenten Special ng Eat Bulaga sa Holy Monday, March 26. Kasama rin sina Sen. Tito Sotto at Joey
de Leon sa direction ni Adolf Alix, Jr.
    
“Maswerte akong makatrabaho si Tito Tirso, sobrang bait at sobrang galing. Parang hindi na
ako umaarte ’pag kaeksena siya. Para siyang si Ate Guy at Jaclyn Jose na mapagbigay sa mga
eksenang magkasama kami.
    
“Tatay ko siya rito, OFW laging wala sa important events ng life ko, Start ng conflict
namin nang ma-stroke ako. The story is about family, forgiveness and acceptance,” kwento ni Alden.
    
Magbabakasyon si Alden at pamilya nito at babalik sa Good Friday at sa bahay lang sila
hanggang Easter Sunday para magdasal. Ito raw ang nakaugalian nila.
    
Sa April 5, lilipad si Alden with Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Betong
Sumaya at Dennis Trillo para sa show sa New Jersey sa Apr. 7 at Toronto sa Apr. 8. Deretso si
Alden sa New York for a two-day workshop under Anthony Vincent Bova. Sa Apr. 15, ang balik ni
Alden sa bansa.

* * *

Pumirma ang members ng Ex-Battalion ng kontrata bilang endorser ng RRJ clothing  brand at present
sa contract signing ang manager nilang si Ai-Ai delas Alas, Alvin Cheng at Patrick Sia, COO at
brand director, respectively ng RRJ Clothing.
    
First endorsement ito ng Ex-Battalion, kaya masaya sila lalo’t hindi na sila bibili ng T-
shirts at iba pang gamit sa mga gig. In-announce ni Ai-Ai na may mga susunod pang endorsement ang
Ex-Battalion, kaya paulit-ulit ang pasasalamat ng grupo sa kanya.
    
Dati, walang ganitong offer sa kanila, ngayon, endorser na sila ng RRJ at malapit nang
lumabas sa market ang Ex-Battalion shirts.
    
Sobrang happy din ang Ex-Battalion dahil sa September at October, may US Tour sila at
balak ni Ai-Ai na magdala ng CD ng grupo para sa mga Pinoy na gusto ang songs nilang Need You,
Come With Me at monster hit na Hayaan Mo Sila.

* * *

Birthday bukas (March 21) ni Rocco Nacino and to celebrate his 31st birthday, isang bloodletting
charity event ang ginawa last March 17, sa Rufo’s Timog. Katuwang ni Rocco ang
doctors  mula sa PHG. Ang mga bata ng Pedia Oncology ward ng PHG at Bahay Aruga ang beneficiaries
sa bloodletting na ’yun.
    
Pamilya, kaibigan at fans ang sumuporta sa bloodletting event ni Rocco at kung may  
opportunity, gusto niya itong gawin every year.
    
Present din sa event ang GF ni Rocco na si Melissa Gohing na very supportive sa career ng
actor dahil sabi nito trabaho ‘yun. Ipinakilala siya sa amin ni Rocco si Melissa na professional
lady spiker from La Salle at naglalaro ngayon sa Creamline Cool Smashers.
    
Five months pa lang ang relasyon ng dalawa at ngayon pa lang, feeling the luckiest guy na
si Rocco having Melissa as his GF. Sabi ni Rocco, lahat ng friends niya pabor kay Melissa at
natuwa ang lahat nang isama niya sa cast party ng Haplos.
    
Anyway, after Haplos, sa rehearsal ng show sa Music Museum na Oh, Boy! and OhLol  ang
focus ni Rocco. Sa May 18, na ito with Jak Roberto, Dave Bornea at Derrick Monasterio at kasama
sina Donita Rose at Super Tekla.
    
Susunod ang shows niya sa June 3 at July sa States dahil ni-request siya ng mga nurses. Sa
August na siya muling gagawa ng tele-serye.

* * *

Next month na raw ang kasal ni Rachelle Ann Go sa fiance niyang si Martin Spies at kung next month
na ang kasal, sa April na ’yun. Hindi pa lang na- banggit ang exact date ng kasal ng singer-
actress at kung saan gaganapin.
    
September 23, 2017, last year nag-propose ang fiance ni Rachelle sa kanya sa Boracay
yata at based ito sa photo nila sa Instagram (IG). Para ngang pre-nup photos na ng dalawa ang na-
post nilang pictures habang nama-masyal sa New York.