7,175

‘Kita Kita’ director, huhusgahan sa bagong pelikula

  • Written by Lito Mañago
  • Published in Showbiz
  • Read: 517
Ryza,  Direk Sigrid  & JC Ryza, Direk Sigrid & JC

MASUSUBUKANG muli ang box-office charm ni Direk Sigrid Andrea Bernardo via the soon-to-be-released Mr. and Mrs. Cruz na co-production venture ng Viva Films at The IdeaFirst Company nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan.

Ito rin bale ang first mainstream movie ni Direk Sigrid after the highly successful Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez na tumabo ng mahigit P300 million plus sa takilya.

Para sa lady director, challenge sa kanya ang Mr. and Mrs. Cruz dahil first time niyang makakatrabaho ang mga bidang sina Ryza Cenon at JC Santos na itinuturing niyang ‘interesting pair.’

“Sina JC at Ryza were given to me by Viva pero approval ko pa rin if gusto ko sila. Of course, why not? Umoo ako na sina Ryza and JC. It’s an interesting pair!” sambit ng box-office director.

Puring-puri ni Direk Sigrid sina JC at Ryza dahil napapanood daw niya ang mga ito at sobrang nagagalingan siya sa dalawa.

“I saw Manananggal, sobrang nagagalingan ako kay Ryza roon. Nagulat ako kasi dati nakikita ko lang siya sa Starstruck. Parang ang tagal na nu’n tapos biglang, ‘Oh, Manananggal? Bagets pa ’to, eh,’ so naging interesado ako kasi ang galing niya,” pagtatapat ni Direk Sigrid.

“Si JC, yes,” kuwento ng director, “magkasama kami sa theater at napanood ko siya sa 100 Tula at iba pa niyang mga show. Sobrang excited din ako to work with him.
    
“Napanood ko siya sa Esprit de Corps, ’yung sa Cinema One Originals. Why not? I’m so excited to work with the both of them na nagustuhan ko ’yung mga pelikula nila nu’n.
    
Mr. and Mrs. Cruz hits cinemas nationwide on January 24.

* * *

MGA kapuso superheroes ang sasalang sa All-Star Videoke ngayong linggo.
    
Magtatagisan ng galing sina Super Jake Vargas, Juancho “Incredible Hunk” Triviño, Klea “Harley” Pineda, Kate “Katwoman” Valdez, Maey-stique Bautista at si Wander Beki Belo.
    
At ang mga uupong All-Star Laglagers ay sina Jason “The Joker” Francisco at Poison Iyah Mina.
    
Ito na rin ang ika-apat at huling linggo ni Maricris Garcia bilang All-Star Videoke Champ at malaki ang pag-asang makuha niya ang Super-Oke prize. Sakaling palarin si Maricris, maiuuwi niya ang isang brand new car.
    
May showdown din sa iba’t ibang sulok ng Metro Manila ang mga super-galing nating kapuso sa Kalye-Oke.
    
Ang All-Star Videoke ay hosted nina Betong “Be-Thor” Sumaya at Solenn “The Wonder Girl” Heussaff at napapanood ito pagkatapos ng 24-Oras Weekend sa GMA Network.