Kisses at Donny may fanbase na

October 09, 2018
Donny Pangilinan and Kisses Delavin
Donny Pangilinan and Kisses Delavin

MAY fanbase na ang bagong tambalan ng dating PBB housemate-turned singer-actress na si  Kisses Delavin (19) at Donny Pangilinan (20) na anak ng mag-asawang Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

Sina Kisses at Donny ay magkasamang dumalo sa recently-concluded star-studded charity event, ang first ABS-CBN Ball na ginanap sa Makati Shangri-La last September 29.  Magkasama rin ang dalawa sa bagong simulang morning TV series na “Playhouse” na pinangungunahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.  Una silang nagtambal sa Regal Films movie na “Walwal” mula sa panulat at direksiyon ni Joey Javier Reyes.

Although ang kanilang respective career ang kanilang priority sa ngayon, hindi maikakaila na may mutual understanding na ang dalawa lalupa’t pareho nilang inamin na mahal nila ang isa’t isa.

Si Donny ay nagmula sa isang showbiz royalty.  Ang kanyang grandparents sa mother side na sina Tony Ferrer at Imelda Ilanan ay parehong top stars during their prime.  Artista rin ang kanyang inang si Maricel Laxa-Pangilinan.  Auntie niya si Angeli Pangilinan-Valenciano at uncle naman niya si “Mr. Pure Energy” na si Gary Valenciano at mga pinsan niya sina Paolo, Gab at Kiana Valenciano.  Uncle din niya si Sen. Kiko Pangilinan na ang misis naman ay ang megastar na si Sharon Cuneta.  Habang ang ama ni Donny na si Anthony Pangilinan ay isang TV host and motivational speaker.

Tinitilian ang tambalan nina Donny at Kisses saan man sila mapunta.