Kiray, rumi-Regine level ang isyu ng paglipat

November 01, 2018
Kiray Celis

Ayaw pang magbigay ng detalye ni Kiray Celis sa napapabalitang pag-alis niya sa ABS-CBN at paglipat naman sa GMA-7.

“Wala pa, wala pa,” aniya nang makausap namin  sa mall show ng Metro Manila Film Festival 2018 entry  na Otlum mula sa direksyon ni Joven Tan.

Pero under negotiations ba?

“Wow, Regine (Velasquez)! Lumalaban sa 20 years,” ang natatawang sabi ni Kiray.

“Wala pang final, wala pa ngang dumarating sa akin,” ang sabi niya ulit.

Pero ang balita ay almost confirmed na ang paglipat ni Kiray sa GMA-7 at ang teleseryeng pagbibidahan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado ang umano’y first project ng dalaga sa Kapuso network.

Sabagay, parang bihira nga naming mapanood si Kiray sa mga teleserye ng ABS-CBN at marahil ay isa ito sa mga naging dahilan kung bakit siya lilipat... if ever.

Samantala, bukod sa Otlum ay may isa pang pelikula si Kiray na malapit nang ipalabas, ang Class of 2018, na showing na sa Nov. 7 mula naman sa T-Rex Entertainment.