Kinuwestyon

September 23, 2018

Naipaliwanag naman ni Heart Evangelista ang kuwestiyon ng mga netizens kung bakit may bottled water at perfume siya sa airplane.

Heart Evangelista
Heart Evangelista

Nag-post si Heart ng larawan habang nasa airplane siya last Friday. Wala siya sa picture kungdi ang mga gamit lang niya na nasa tabi ng bintana. Of course, no need to say na nasa business class siya.

Makikita sa larawan ang bottled water, Chanel perfume, magazines, headphone at purse.

“My little area of the plane is well-stacked with everything I need. I'm ready for another amazing flight with @cathaypacific #Life WellTravelled,” ang caption ni Heart.

Sa comments section ay kinuwestiyon ng mga netizens kung bakit pina-yagan siyang magdala ng bottled water at pabango gayung bawal ito.

May nagkomento pa na iba raw ba ang ruling sa business class at economy class. Bawal kasi sa airplane ang bottled water unless provided by the plane, gayundin ang perfume na more than 100ml.

Sumagot si Heart na 50ml lang daw ang size ng Chanel perfume at ang tubig naman ay provided ng plane. Saka pa lang nata-himik ang mga netizens.

Lumipad si Heart sa Italy para sa shoot ng “Living Ferragamo” campaign. Apat na araw siyang mananatili roon kasama ang Ferragamo team.

After the shoot, diretso si Heart sa Paris for the Spring/Summer fashion week. Imi-meet din niya ang makers ng Loreal Paris. She will be back first week of October.

Tagged Under