Kinopya

October 03, 2018
Marian Rivera

Marian, walang isyu sa gown ni Kathryn.

Sinagot ni Marian Rivera ang ginawang isyu na kopya ang white gown niya na sinuot sa Guillermo Mendoza Box Office Award last May ang white gown na suot ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Ball na ginanap noong September 29.

Maiksi ang reaction ni Marian na “There’s no issue if we are wearing a similar dress besides i love Kath.” Ayan, dapat walang isyu.

Samantala, this Thursday na ang alis nina Marian para sa Kapusong Pinoy Anaheim 2018. Sabi ni Christian Bautista, aalagaan nila nina Julie Anne San Jose, Tekla, Donita Nose at Ai-Ai delas Alas at iba pang kasama si Marian na buntis sa second baby nila ni Dingdong Dantes.