5,320 guests

Kina-career

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 427

Rachel, ipinasilip ang pisngi ng bobey

Video nina Sam at Angelica, cheesy

LAST beauty queen standing si Rachel Peters, panlaban natin sa Miss Universe 2017 sa Las Vegas next
week. 

Two in a row na luhaan ang ’Pinas sa major international beauty contests this month, ang Miss
International at Miss World.
    
Kaya si Rachel, todo- kayod at kina-career ang paghikayat sa kanyang social media account na
iboto siya bago ang kumpetisyon at habang ongoing ang labanan.

May instructions siya kung paano iboboto sa Miss Universe ang hashtag na #Philippines.
    
Sa photos na nakalagay sa Instagram ni Rachel,  sarimanok-inspired ang kanyang headdress at
seksing-seksi siya sa swimsuit style na panloob niya.  
    
Kapayapaan at pag-ibig naman ang caption niya sa blue gown niyang suot at nu’ng preliminaries
night, black dress ang gamit niya, pero halata pa rin ang kurbada ng kanyang katawan with matching
pasilip sa pisngi ng bobey!

Sa swimsuit competition, nangabog din ang alindog ng kandidata natin, huh!
    
Sana nga manalo muli ang bansa sa Miss Universe, pero marami ring magagandang kalaban si
Rachel, huh!

* * *

CHEESY ’yung lumabas na video nina Angelica Panganiban at Sam Milby. Pero huwag lagyan ng malisya
dahil para sa isang music video ’yung pagsasama nilang may kasamang lambingan.
    
Para sa kaalaman ng lahat, nagtayo ng Bright Bulb Productions sina Angelica at Sam kasama si
John Prats.         
    
Tinupad lang nilang tatlo ang pangarap nilang ’yon na makagawa ng quality videos at kung
magkakaroon ng katuparan, sasabak na rin sa pagpu-produce ng pelikula.
    
Una muna silang gumawa ng music video ng kantang Malaya, na nag-premiere sa Myx at inilabas na
rin sa YouTube channel nila.
    
Bukod kina Angelica at Sam, bahagi rin ng music video si @moirarachelle.
    
Sa video, inilarga naman ni John ang kanyang hilig sa pagdidirek.
    
Loveless man si Angge, never naman niyang papatusin si Sam na may girlfriend na (’yan ay kung
hindi pa sila break ng non-showbiz GF niya gaya ng balita, huh!)

* * *

FULLY loaded man si Piolo Pascual bilang actor at producer, never naman sumakit ang ulo niya sa pag-
o-organize ng kanyang activities dahil na rin sa tulong ng bagong technology ngayon.
    
Abot-kamay kasi lahat ng aktor ang maraming bagay sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang
application sa phone, gaya ng pag-order ng food, pagtatrabaho at pagtatago ng videos na mahalaga sa
kanya.
    
Ayon pa kay Papa P, higit na madali na siyang mag-manage ng oras niya ngayon.
    
“It helps you do your stuff wherever you are and at any time of the day,” anang aktor.
    
Ang bagong application na dinagdag niya sa kanyang koleksyon ay ang delivery app na Mober. May
kaugnayan ito sa instant booking for deliveries within the same day.

“No need to wait for days. Even in simple ways like that, I am able to show respect for other
people’s time,” rason ni Piolo.
    
Sey naman ni Eric Ortiz, chief operating officer ng Mober Technology, “Mober will be
beneficial to any business. Our services can help them cut expenses on manpower and trucking.”