Kiko, tuloy ang adbokasiya

November 10, 2018
Kiko Rustia and Katrice
Kiko Rustia and Katrice

Ang TV personality at Survivor Philippines alumnus na si Kiko Rustia ay sobrang thankful sa pagkapili sa kanya ng Victory Liner, isa sa biggest bus companies sa bansa, bilang endorser.

Ang nasabing partnership ay nanatiling matatag at si Kiko ay naging simbolo ng advocacy ng Victory Liner to “give back to the people” sa pamamagitan ng mga dokumentaryong ginagawa niya, katuwang ang Victory Liner, sa pagtatampok ng mga natatanging lugar na dinadaanan ng bus company patungong Norte.

Ang mga dokumentaryong ginagawa nila ay mas lalong naglapit sa Victory Liner sa mga taong pinagsisilbihan ng bus company. Ito ang kanilang paraan para kumonek sa mga loyal customers ng Victory Liner.

“Marami kaming mga lugar na binibisita sa paggawa ng mga dokumentaryo and I am proud to say na alive na alive pa rin ang Filipino hospitality sa mga iba’t-ibang lugar sa ating bansa.

“Mainit ang pagtanggap sa amin ng mga tao, kahit sa mga lugar na hindi naman ruta ng Victory Liner. Mabait sila at handang tumulong. At lagi nila kaming inaalok ng masasarap na pagkain,” kuwento ni Kiko.

Bilang token of appreciation sa mga loyal patrons ng bus company, inilunsad ng Victory Liner ang Piso Trip Round 2 Promo. Ito ay isang seat sale promotion ng Metrobank Card Corporation (MCC) sa pakikipagtulungan sa Victory Liner, Inc. Ang libreng pasahe ay binabayaran ng Metrobank Card Corporation.

Ang promo ay eksklusibo para sa Victory Liner Premiere Prepaid Visa Cardholders na puwedeng mag-enjoy ng round trip ticket at PHP1.00 each trip going to Cubao-Baguio at Baguio-Cubao.

Ang iskedyul ng booking at travel ay ang mga sumusunod: Booking period: Nov. 12-16, 2018; travel period: Cubao-Baguio: Nov. 22-25, 2018 & Dec. 6-9, 2018; Baguio-Cubao: Nov. 25-26, 2018 & Dec. 9- 10, 2018.  

Para sumali sa promo, kailangan lang na mag-load sa inyong Victory Liner Premiere (VLP) Prepaid Visa Card at magtungo sa victoryliner.com para mag-book. Gamitin ang inyong VLP Card para magbayad ng Piso Trip.

Para mag-avail ng VLP Visa Card, pumunta lang sa anumang Victory Liner Bus Terminal, mag-present ng isang valid ID at magbayad ng P300.

Para naman mag-load sa inyong VLP Prepaid Visa Card, magtungo sa anumang Victory Liner Bus Terminal at magbayad sa cashier ng amount na nais mong i-load at handa ka na para mag-biyahe! May loading fee na P20 sa bawat transaksyon.