KC, itinago ang BF sa The Farm

November 05, 2018
KC Concepcion

Nasa bansa pala ang boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre-Emmanuel Plassart o PEP hindi lang nabalita nang husto.

Nalaman lang ang tungkol dito nang mag-post si KC ng picture nila ni PEP habang naliligo sa tina-tawag na secret waterfalls sa The Farm ng San Benito. Kahit si Sharon Cuneta, hindi nag-post tungkol dito.

Kahit hindi sinabi ni KC kung nasaan sila ni PEP at ang caption lang sa picture ay “Surprise trips. Secret waterfalls. Fun times. @peplassart,” marami agad ang nakahula kung nasaan sila.

Nag-post din si PEP ng picture ng The Farm na hindi rin sinabi kung saan. May nagtanong kung sa Thailand ang lugar at ang sagot nito ay “Better! Philippines.”

Marami ang umaasang habang nasa bansa si PEP, magpo-propose na siya kay KC at susunod na ang kasal ng dalawa na hinihintay na ng fans ni KC. Wish ng fans, bago bumalik sa France si PEP, mag-propose siya kay KC.