KC gustong ihatid siya sa altar ng dalawang ama

October 04, 2018
KC Concepcion
KC Concepcion

ALTHOUGH wala pang pinag-uusapang kasal sa pagitan nina KC Concepcion at ang kanyang nakabalikang French businessman-filmmaker boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart, dream ng pangangay ng estranged couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na ihatid siya sa altar ng kanyang biological dad na si Gabby Concepcion at stepdad na si Sen. Francis `Kiko’ Pangilinan na parehong mahalaga sa kanya.

KC was about two years old nang magkahiwalay ang kanyang parents in 1987.   When her mom (Sharon) married her stepdad Sen. Kiko in 1997, she found a father figure in him who treated her just like his own daughter.

KC calls Gabby papa at dad naman ang tawag niya kay Sen. Kiko.

At 33, KC is already of marrying age at 36 naman si Pierre.  At kung ang ina ni KC, ang megastar na si Sharon Cuneta lamang ang masusunod, gusto na nitong itulak ang panganay na mag-asawa dahil gustung-gusto na nitong magkaroon ng apo sa dalaga.

Ngayong nagkabalikang-muli sina KC at Pierre, mukhang proposal na lamang ng huli ang hinihintay ng singer-actress-dancer-entrepreneur.