5,180 guests

Kathryn, may panawagan sa mga kabataang biktima ng cyber-bullying

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 475

AYON sa bida ng La Luna Sangre na si Kathryn Bernardo, ang pinakamatinding cyber-bullying na na-
experience niya ay noong panahon ng eleksyon kung saan tumulong siya sa kampanya ni Mar Roxas na
tumatakbong presidente.

Hinding-hindi raw niya ito malilimutan kaya naman ngayon ay tinututukan niya ang advocacy
laban sa cyber-bullying kasama ang ka-loveteam at boyfriend na si Daniel Padilla.
    
Ani Kathryn, “Kung iisa-isahin ko, ang dami talaga. Pero siguro ang pinakamalala ’yung last
election. Dumating ako sa point na nagkulong ako sa kuwarto.
    
“As in, hindi ako lumalabas. Sobrang na-depress ako nu’ng na-receive naming pangba-bash sa
lahat ng tao noong time na ’yun. And until today, kapag nag-social media ka.

“That’s why, I turned-off my comment section and sa Twitter, sobrang bihira na kong mag-
Twitter,  kasi ang bilis kumapit lang, especially before,” sambit pa niya.
    
Naniniwala ang dalaga na  bilang celebrity ay mas makakatulong sila ni Daniel para maging
aware ang mga tao sa pinagdadaanan ng mga nabu-bully at kung paano ito dapat maiwasan.

“Ang daming puwedeng sabihin sa amin, especially nga public figure kaming pareho. Siguro
naging magandang move talaga namin at advocacy namin ay ito pong fight cyber-bullying.

“Ayaw po namin na next five years, next ten years, mas lalo pa itong lumala. Kasi na-feel
namin kung gaano siya kahirap, kung ano ang struggle na napi-feel mo kapag ikaw ang nabu-bully mismo
sa social media.
    
“We don’t wanna continue that, sana maging stepping stone ito ng lahat para mas maging aware
na seryoso ’tong bagay na ’to,” paliwanag pa niya.
    
Naniniwala rin si Kathryn na hindi kailangang manahimik na lang ang mga taong nabibiktima ng
cyber-bullying.
    
Aniya, “Kapag naisip mo, hindi enough na you keep quiet. Kasi ’yung iba naiisip nila, ‘Ah,
okey pala, wala naman siyang masabi or something.' Akala nila tama ang ginagawa nila, kaya dito
pumasok ang anti-cyber-bullying, we have to make a stand.
    
“Kasi kapag nabu-bully ka, hindi lang nasisira ang araw mo… nagli-lead into depression,
especially sa mga teenager. Sa pag-aaral nga, 13 to 17 years old, 80% dito sa Philippines, naka-
experience ng cyber-bullying.      
    
“Ganu’n kalaki. Kung may maipapayo ako sa lahat, take a stand and join us in our campaign para
makapag-create tayo ng noise.
    
“Para  ’yung gusto nating maisabatas… tayong mga kabataan, tayo ang magsimula. Kailangan
nating mag-create ng noise,” panawagan ng aktres.
    
Samantala, patuloy na namamayagpag sa primetime ng ABS-CBN ang La Luna Sangre na
pinagbibidahan din nina Richard Gutierrez at Angel Locsin.
    
Tila wala na kaming nababalitaang bina-bash ng KathNiel fans si Angel na gumaganap bilang
Samantha or Lady In Red sa  serye.
    
Well, dapat lang naman silang manahimik at suportahan ang advocacy ng KathNiel on cyber-
bullying. Pangit kung sila ang mamba-bash tapos ang iniidolo nila ay lumalaban sa mga nambu-bully sa
social media.