KathNiel nilaglag si Vice Ganda

September 19, 2018
Thumbnail

OVERWHELMED ang magkasintahan at magka-loveteam na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) sa patuloy na tagumpay ng kanilang pelikulang “The Hows of Us” na dinirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina under Star Cinema dahil pumalo na ito ng mahigit P600-M as of Monday, September 17, making it the highest-grossing local film of all time.  Ang nasabing pelikula ay nagbukas sa mga sinehan nationwide last August 29 at ngayon ay palabas pa rin sa ikatlong linggo.  Ang nasabing gross ay hindi pa kasama ang kita sa international screenings.

Ilang taon na ring hawak ng singer-comedian-TV host na si Vice Ganda ang highest-grossing record sa takilya na ang pinakahuli ay ang kanyang 2017 Metro Manila Film Festival movie na “Gandarrapido: The Revenger Squad” na pinagsamahan nila nina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla na dinirek ni Joyce Bernal for Star Cinema na kumita ng P571-M.

Matuloy man ang pagre-retiro ni Direk Cathy Garcia-Molina sa pagdidirek next year ay babaunin na niya ang malaking tagumpay sa takilya ng “The Hows of Us” considering na ito’y palabas outside MMFF.

The movie made history hindi lamang sa local movie industry kundi maging sa Star Cinema, kina Kathryn at Daniel at sa director na si Direk Cathy.

Samantala, goal naman ni Vice Ganda na umabot ng P900-M ang kanyang 2018 MMFF movie na “Fantastica: The Princess, The Prince and the Perya” kung saan niya kasama sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes at iba pa mula sa direksiyon ni Barry Gonzales at joint production ng Star Cinema at Viva Films.

Tagged Under