5,491

Kasal na lang ang kulang: Sarah at Matteo, 'di maiiwasan ang pagsasama

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1060
Matteo Guidicelli & Sarah Geronimo Matteo Guidicelli & Sarah Geronimo

DAHIL parehong Kapamilya sina Sarah Geronimo at ang nobyo nitong si Matteo Guidicelli, hindi maiwasan na magsama ang dalawa sa isang entablado tulad ng nagyari last Tuesday evening, December 12 sa Christmas special presentation ng ABS-CBN na ginanap sa Araneta Coliseum kung saan magkakasama sa stage ang mga Kapamilya stars kung saan kabilang sina Sarah at Matteo while singing the evening’s theme song, “Just Love”.

Dahil magkalayo ang kinatayuan nina Sarah at Matteo ay pilit silang pinaglapit nina Kathryn Bernardo at Robi Domingo.

As much as possible, ayaw nina Sarah at Matteo mag-share the same stage dahil pinu-protektahan nila ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Never pang nag-guest si Matteo sa shows and concerts ni Sarah gayundin si Sarah sa mga show ng kanyang boyfriend.  Gusto kasing ihiwalay ng dalawa ang kanilang relasyon bilang magkasintahan sa kanilang trabaho.

Sa pagkaakalam namin, mag-aapat na taon nang magkasintahan sina Sarah at Matteo kaya  marami na ang nag-aabang ng marriage proposal ni Matteo kay Sarah bagay na tila hindi pa handa ang Cebuano Fil-Italian singer-actor.

MAINE, BALIK-'EAT BULAGA' SA ENERO, BALIK DIN KAY ALDEN

AYON sa big boss ng TAPE, Inc. (producer ng “Eat Bulaga”) at APT Entertainment na si G. Tony Tuviera (or Mr. T), tuloy ang balik-tambalan sa pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza sa 2018. Bukod pa rito, babalik din sa top-rating and longest-running noontime show si Maine sa Enero 2018.

Dahil sa balitang ito ay muling nabuhayan ang fans nina Alden at Maine dahil hindi na mabubuwag ang phenomenal loveteam ng dalawa.
    
Naging palaisipan sa mga tagahanga ng dalawa ang biglang pag-disappear ni Maine sa “Eat Bulaga” matapos itong mag-post sa kanyang Instagram account ng isang open letter addressed to their fans ni Alden.

MISTER NI DAWN, MASUWERTE

MASAYA si Dawn Zulueta na meron siyang pelikula na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival, ang “Meant to Beh” na pinagtatambalan nila ni Vic `Bossing’ Sotto mula sa direksiyon ni Chris Martinez.
    
“I have always wanted to work with him (Vic) in a movie na never pa namin ginawa before,” pahayag ni Dawn na napakaganda pa rin hanggang ngayon at age 48. Kaya naman napakasuwerte ng mister niyang si Cong. Anton Lagdameo.
    
Sinabi naman ni Bossing na si Dawn talaga ang kanilang first and only choice na makapareha niya sa naturang pelikula.
    
Kung pawang mga heavy drama ang mga ginagampanang papel ni Dawn sa telebisyon at pelikula, kakaiba naman ang “Meant to Beh” na isang family-oriented comedy movie.
    
“Lalabas ka ng sinehan na masaya at magaan ang pakiramdam  mo,” paniniguro ni Dawn.

DANIEL, GUSTONG MATULAD KAY HEART SI ERICH

PAREHO may entry sa 2017 Metro Manila Film Festival ang estranged sweethearts na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.  Si Daniel ay isa sa mga tampok sa pelikulang “Meant to Beh” habang si Erich naman ay leading-lady ni Jericho Rosales sa pelikulang “Siargao” na dinirek and produced ni Paul Soriano for TEN17P.  Malamang na magkita ang ex-couple sa Parade of Stars on December 23 at sa awards night ng MMFF on December 27.
    
Dahil parehong Kapamilya sina Erich at Daniel, hindi rin maiiwasan na magkita ang dalawa.
    
Samantala, kung masaya na ang lovelife ngayon ni Daniel dahil sa kanyang bagong girlfriend, ang Polish model na si Karolina Pisarek, quiet naman si Erich pagdating sa kanyang personal na buhay pero hindi naman daw ito nangangahulugan na hindi siya masaya.
   
Good wishes naman ang ipinaparating ni Daniel sa dating kasintahan.
    
Kung okey na ang relasyon niya sa dating GF na si Heart Evangelista (na misis na ni Sen. Francis Escudero), ganoon din sana ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Erich. Balitang di maganda ang paghihiwalay nina Daniel at Erich.

FRENCH BF, SA PILING NI LOVI MAGKI-CHRISTMAS

MAGIGING masaya ang Pasko ng Kapuso singer-actress na si Lovi Poe dahil dito magi-spend ng Christmas ang kanyang French businessman boyfriend na si Chris Johnson.
    
Gusto ni Lovi na maranasan ni Chris ang Pasko sa Pilipinas.
    
Nagiging madalas ang pagdalaw sa Pilipinas ni Chris dahil bukod kay Lovi ay nagsi-set-up umano ito ng negosyo sa bansa para na rin siguro lalong mapalapit  sa kanyang girlfriend na si Lovi.

ONE MONTH OLD CELEBRITY

ANG more than one-month-old baby ng mag-asawang Vic `Bossing’ Sotto at Pauleen Luna-Sotto na si Baby Talitha ay isa nang celebrity long before siya lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina.
    
Although dalawa lamang sa mga naunang apat na anak ni Bossing ang pumasok sa showbiz, sina Danica at Oyo Sotto,  wala pang nakakaalam kung susundan ni Baby Talitha ang mga yapak ng kanyang celebrity parents sa showbiz.
    
“It’s too early to say,” ani Bossing na bida sa MMFF movie na “Meant to Beh” with Dawn Zulueta at his leading-lady.
    
“Siguro paglaki na niya, doon lamang natin malalaman kung ano talaga ang gusto niyang maging,” dugtong pa ni Bossing.
    
Kakaiba ang magiging Christmas celebration nila ni Pauleen this Christmas dahil may Baby Talitha na silang kasama along with Bossing’s other children and grandchildren.
    
“The more  the merrier,” natatawa pa niyang pahayag.