Karla may bagong pag-ibig

October 13, 2018
Karla Estrada
Karla Estrada

INAMIN ng singer-actress-TV host na si Karla Estrada na utang na loob niya sa kanyang panganay na anak na si Daniel Padilla ang second chance sa showbiz.  Hindi ikinakaila ni Karla na nang sumikat ang kanyang anak ay nadala siya nito kaya muling gumanda ang takbo ng kanyang career which is even better kumpara nung una siyang nagsimula.

Kahit ang ama ni DJ (Daniel), ang actor na si Rommel Padilla ay nabuhay din ang career.

Samantala, marami ang hanga kay Karla dahil bilang isang single parent dahil nakaya niyang i-raise mag-isa ang kanyang apat na anak na may iba’t ibang ama. Si Daniel ay anak niya sa actor na si Rommel Padilla, ang pangalawa naman ay si JC (Juan Carlito Padilla) sa lead vocalist ng Orient Pearl Band na si Naldy Padilla, pangatlo si Margaret Planas na anak naman niya sa dating konsehal ng Quezon City na si Mike Planas habang ang pang-apat at bunso na si Carmela Tenorio (Lelay) ay anak niya sa isang non-showbiz guy.

Ang boyfriend ngayon ni Karla ay isang businessman-contractor na si Mark Yatco na siyang nag-construct ng bahay ngayon ni Karla at ng kanyang mga anak na ipinatayo  ng anak niyang si Daniel.