Kapuso young actress umiyak nang matalao sa Macau

November 09, 2018
Ameera Johara
Ameera Johara

NAGING saksi kami kung paano iniyakan ng 16-year-old Kapuso actress na si Ameera Johara ang kanyang pagkatalo maging ng kanyang make-up artist at salon owner na si Stephanie Ilagan sa recently-concluded 22nd Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association (APHCA) Olympics Hair & Make-Up Competition & International CIAM  International Beauty Forum na ginanap sa Broadway Theater ng Galaxy in Macau.  CIAM stands for Creative Image Arts Association for Macau.

Si Ameera ang favorite model ni Stephanie (since she was 13) sa tuwing sumasali ang huli sa iba’t ibang international hair and make up competition kung saang madalas ay naiuuwi ni Stephanie ang grand champion trophy.  Pero nitong nagtapos na APHCA competition na ginanap sa Macau ay nakuha lamang nina Stephanie at Ameera ang 2nd runner-up or third place sa Evening Party Make-Up category sa halip na grand champion bagay na hindi matanggap ng dalawa lalupa’t stand-out si Ameera among her co-competitors na nakuha ng Bangkok.  Sa mga kasabayan ni Ameera sa nasabing category ay siya lamang ang bukod tangi na pinagkaguluhan ng mga photographer at sa mga humingi ng photo op.  Ganunpaman, naging professional pareho sina Stephanie at Ameera during the competition proper pero pagkatapos ng event at bumalik na sila sa kanilang hotel room ay doon na ibinuhos ng dalawa ang kanilang frustration sa hindi pagkakapanalo.  But eventually ay na-realize din nila na ang judges (na nagmula sa iba’t ibang bansa) ang masusunod at hindi ang reaction ng audience at `yung naramdaman nila during that time.  Actually, hindi lamang sina Ameera at Stephanie (ng Pilipinas) ang umangal kundi maging ang Bangkok sa National Ethnic Bridal Make-up kung saan naman first runner-up ang Pilipinas.  Si Raquel Pangilaban ang make-up artist at modelo naman niya si Jackie Nahit.  Naging second runner-up lamang ang Bangkok sa halip na ito ang nag-champion sa nasabing category.

Sa maraming naglaban-laban sa iba’t ibang category ng hair and make-up competition tulad ng Commercial Bridal Make-Up, National Ethnic Bridal Make-Up, Creative Men’s and Women’s Hair Cut, Creative Bridal Make-Up, Evening Party Make-Up, Fantasy Bridal Make-Up, Face and Body Painting at iba pa, sampung awards ang naiuwi ng Pilipinas.