Kalusugan ni Kris naapektuhan ng diumano’y panloloko sa kanya

September 29, 2018
Kris Aquino
Kris Aquino

MUKHANG on the same boat ngayon sina Kris Aquino at Jinkee Pacquiao dahil pareho silang niloko at pinagnakawan ng mga taong kanilang pinagkatiwalaan nang husto.  Pero ang kaibahan ng dalawa, hindi na ihahabla ng misis ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang personal assistant (P.A.) na siyang diumano'y nagnakaw ng pera at mga mamahaling alahas at pinauwi na lamang nila ito sa Gen. Santos City.  Si Kris naman ay pursigido na kasuhan ang isang taong malapit sa kanya na kanyang pinagkatiwalaan ng kanyang milyung-milyong pera pati na ang pamamahala ng kanyang sariling kumpanya, ang Kris Cojuangco Aquino Productions, ang kanyang mga product endorsements at mga negosyo lalupa’t ang lahat ng mga ito’y nakalaan sa dalawang anak ng (dating) TV host-actress at celebrity endorser na sina Joshua at Bimby.

Nakaka-alarma  ang hitsura ngayon ng 47-year-old na si Kris na hindi halos makatulog at makakain dahil sa ginawa ng isang taong inakala niyang tapat sa kanya na tumangay ng napakalaking halaga na kanyang pinaghirapan at pinagtrabahuhan.  Sobrang na-devastate si Kris dahil sa sobra niyang tiwala na ibinigay sa taong ito.  Although marami na ang nakakaalam kung sino ang taong tinutukoy, hindi pa ito binabanggit ni Kris sa kanyang mga post sa social media hangga’t hindi pa siguro ito nasasampahan ng kaso sa tulong ng kanyang legal team.  Kris will move mountains para lamang maibalik sa kanya ang perang kanyang pinaghirapan na ninakaw sa kanya ng taong kanyang pinagkatiwalaan.

Kris is a strong person, a fighter laluna kung alam niyang siya ang nasa tama at may kinalaman sa kanyang pamilya at mga anak na sina Joshua at Bimby. Sa puntong ito ng kanyang karera at personal life, never niyang inasahan na may mas matindi pa palang `battle’ na kanyang haharapin at pagdaraanan at hindi niya inasahang kumanlong pala siya ng isang `ahas’.

Whatever Kris is going through sa ngayon ay tiyak na malalagpasan  din niya but first, hindi niya kailangang kaligtaan ang kanyang kalusugan na siya ngayong nagsa-suffer.