Kakaibang gender reveal ng baby nina Rochelle at Arthur

November 05, 2018
Rochelle Pangilinan

BABY girl ang magiging unang supling ng mag-asawang Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan at ang gender reveal ay nangyari mismo sa gitna ng busy Shibuya Crossing in Tokyo, Japan kung saan nagbakasyon ang showbiz couple kasama ang kanilang respective families nitong nakaraang long weekend.

Isang babae ang may bitbit ng placard na may nakasulat na “It’s a Girl!”at saka ito itinaas sa gitna mismo ng Shibuya Crossing habang nasa kabilang dulo ng crossing  ang mag-asawang Arthur at Rochelle kasama ang kanilang pamilya.

Ganun na lamang ang tuwa ng mag-asawa at ng kanilang respective parents nang malaman nilang  girl ang ipinagbubuntis ngayon ng dating Sexbomb dancer-turned-actress na si Rochelle na magiging first baby nila ng husband niyang si Arthur.  Ang memorable event  na ito ay magkahiwalay na pinost ng mag-asawa sa kanilang respective Instagram account.

Rochelle and Arthur got married on August 8, 2017 in Los Arboles, Tagaytay matapos ang siyam na taon nilang relasyon bilang magkasintahan.