Kahawig

September 22, 2018
Andrea Brillantes

Dumadagundong ang screen presence ni Andrea Brillantes sa trailer pa lang ng upcoming teleseye ng ABS-CBN na Kadenang Ginto. Dalaga na ang dating child actress na nagbida sa Ana Liza at dito sa bagong seryeng ito makikita ’yun since medyo mature na nang kaunti ang kanyang role rito.

Andrea Brillantes
Andrea Brillantes

Kakaibang Andrea naman ang mapapanood sa Kadenang Ginto at sa teaser pa lang, lutang na lutang agad ang kanyang karakter bilang Marga na mala-bida-kontrabida.

Huling regular drama series ni Andrea sa ABS-CBN ay ang Ikaw Lang and Iibigin with Kim Chiu and Gerald Anderson last year. Pabagets-bagets pa ang role niya rito kaya sa Kadenang Ginto ay first time siyang makikita to tackle this kind of role.

Sa Kadenang Ginto ay kasama niya sina Beauty Gonzales, Francine Diaz, Dimples Romana, Albert Martinez and Adrian Alandy.

Bukod dito ay nakatakda ring mapanood si Andrea sa dalawang pelikula. Matatapos na niyang gawin ang pelikulang Birhen ng Manaoag ng APT Films kung saan ay lima silang bida along with Bianca Umali and Miguel Tanfelix. Dito ay medyo character din ang role ng young actress na nagampanan daw nito nang sobrang husay.

The other film is A Spark in Samar na malapit nang ipalabas kung saan ay bida naman silang tatlo nina Empress Schuck at Kristel Fulgar.

Kasama rin sa movie sina Daniel Matsunaga and Neil Coleta. Aside from being one of the leads, si Andrea rin ang kumanta ng theme song ng movie.

Bata pa lang si Andrea ay makikita nang talagang maganda siya pero habang lumalaki, nakaka-amaze how she’s turning out to be a very pretty lady, in fact, one of the prettiest faces now in showbiz na nakikita namin.

Sa totoo lang, ang laki ng pagkakahawig nila ni Liza Soberano.