7,384

Juliana, dinenay ni Marco

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 478

Itinanggi ng former Pinoy Big Brother housemate na si Marco Gallo that he’s dating Juliana Gomez, ang nag-iisang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres.

Nagkaroon kasi ng ispekulasyon na nagde-date ang dalawa matapos lumabas ang mga larawan nila kung saan ay si Marco ang escort ni Juliana sa junior-senior prom na ginanap nitong nakaraang Abril.

Magkakilala na raw kasi sila noon pa ni Juliana dahil pareho silang endorsers ng Bench.

“We just met there (as Bench endorsers) and we became friends, closer, everyday we were talking, like parang friends,” paglilinaw ni Marco nang makausap namin sa shooting ng Familia Blandina ni Karla Estrada.

Kwento pa ni Marco, walang kasama si Juliana sa prom kaya tinanong siya ng dalaga kung gustong sumama sa kanya.

“And then I said, ‘okay,’ wala naman akong trabaho,” kwento pa ni Marco.

Nilinaw niyang hindi date ang naganap kundi siya ang escort ni Juliana sa prom.

Asked how was it meeting Richard, aniya, scary noong una.

“Kahit hindi ko siya kilala noong una, siyempre, it’s still scary na I will meet the parents, and it’s a big deal not just here in the Philippines. Pero in the end, he’s been super nice to me.

“I don’t judge by the book, I like to know people before I judge. So, siyempre, sobrang naging mabait sila sa akin, both parents, and I’m glad,” sey pa niya.

Hindi rin daw niya nililigawan si Juliana at talagang friends lang sila.

Pero aminado siya na he finds her nice.

“She’s one of the nicest persons I’ve met in showbiz,” sambit pa ni Marco.

* * *

SA nakita naming chemistry nina Janella Salvador at Jameson Blake sa pelikulang So Connected ng Regal Films, mukhang may tulog nga ang ElNella loveteam ng young actress at ni Elmo Magalona.

Napanood namin ang So Connected sa press screening last Monday sa Platinum Cinema ng Gateway Mall na dinaluhan ng dalawang bida at ng direktor na si Jason Paul Laxamana.

Masasabi naming hindi nga nagkamali ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na pagtambalin sina Jameson at Janella dahil may “kilig” nga ang dalawa at lutang na lutang ito sa pelikula.

Feel-good ang movie at sobrang makaka-relate ang mga millennial dahil tinalakay din ng movie ang social media, digital world at cyber-bullying.

Rebelasyon sa pelikula si Janella dahil ipinakita niyang may talent din siya sa pagpapatawa gaya nina Toni Gonzaga at Kim Chiu.

Aliw ang kanyang karakter bilang Trisha Biscocho, lalo na ang eksena kung saan nag-dialogue siya ng “leave me away alone!”

Magaling din si Janella sa kanyang mga crying scene at alam mong may ibubuga pa siya kung patuloy na mabibigyan ng magandang materyal.

Honestly, sa kanilang dalawa ni Jameson, siya ang mas nagdala ng film.

Of course, makikita rin naman na nakakaarte at malaki ang potensyal ni Jameson. Hindi rin maide-deny na talagang gwapo siya at yes, threat siya talaga sa ElNella loveteam.

Showing na ang So Connected ngayong Miyerkules, May 23.