Jolo inaming si Jodi ang first choice, ayaw nang pag-usapan pa

September 10, 2018

INAMIN ng actor at vice-governor ng Cavite na si Jolo Revilla na ang ex-girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria ang unang choice na makatambal niya sa “72 Hours” sa trilogy movie na “Tres” na magkatulong na dinirek nina Richard Somes at Dondon Santos pero nagkataon na tight ang schedule ng huli dahil sa TV series nitong “Sana Dalawa ang Puso” at pag-aaral nito kaya ang Kapuso star na si Rhian Ramos ang naging final choice.

Isa umanong mahusay na aktres, mabait at masayang katrabaho si Rhian at hindi umano sila nagkaroon ng problema sa set habang ginagawa nila ang pelikula. Bukod kay Rhian, kasama rin sa movie ang ex-girlfriend ni Jolo na si Lovi Poe na kanya rin umanong pinakiusapan.

In respect sa kanyang ex-girlfriend na si Jodi, ayaw niya itong pag-usapan.