Jolo, inamin ang relasyon kay Rhian!

September 28, 2018
Thumbnail

Leading lady ni Jolo Revilla si Rhian  Ramos sa action  trilogy movie na Tres para sa episode na 72 Hours kaya hindi maiwasang ma-link ang dalawa sa isa’t isa at bigyan ng kakaibang kulay ang  kanilang  closeness.

Single ngayon si Rhian at kakahiwalay din lang ni Jolo sa kanyang showbiz girlfriend for 8 years na si Jodi Sta. Maria.

May na-develop ba sa kanilang dalawa habang ginagawa nila ang Tres?

“Kayo talaga,” nakangiti niyang reaksyon sa tanong.

“We’re good friends and… pero hindi n’yo din naman masisisi, maganda siya, mabait.  Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya?

Pero siyempre, sa bawat pinagdadaanan  namin sa buhay, mas  magandang dahan-dahanin natin. Huwag nating mamadaliin yung kung anuman, di ba?

Ako siyempre kakahiwal ay ko lang, kakahiwalay lang niya… siguro. Hindi naman imposible, we’re good friends,” patuloy niyang paliwanag.

Nagbigay din ng reaksyon si  Rhian sa pagkaka-link niya sa leading man sa 72 Hours.

Aniya, “In-expect ko naman din matsismis. Hindi naman ako nagulat, part na siya ng  trabaho ko. Nung  nabalitaan ko nga  na single na si Jolo, sabi ko, ‘Ay naku, ‘eto na yon, marami nang magsasabi na may kinalaman ako.’ Pero ayun, parang part  lang siya, di ba.”

Masaya rin daw siya sa friendship nila ngayon ni Jolo.

“I’m grateful dahil totoo yung friendship namin.  Totoo yung pinakita namin sa isa’t isa na he’s very easy to get along with and it was easy opening up to each other about certain things in our lives.  Pero anything beyond that is not  something…

“ I don’t kow if he is ready for anything beyond that but I’m definitely not. So, hindi din naging consisderation na turn it into anything  more tha a friendship,” eksplika niya.

Showing na ang  Tres sa Oct. 3 mula sa Imus Productions na ire-release ng Star Cinema. Kasama rin sa action trilogy ang episode na Virgo na pinagbibidahan ni Bryan  Revilla at ang  Amats ni Luigi Revilla.