5,193 guests

John Lloyd, lumipad pa-New York pero ’di na kasama si Ellen

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 538
John Lloyd Cruz John Lloyd Cruz

BUMALIK ng bansa ang controversial couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna galing sa kanilang month-long vacation sa ilang parte ng Europe.  Dumalo ang dalawa sa wake ni Lupe Romulo, anak ng dating Department of Foreign Affairs Secretary na si Alberto Romulo at kapatid nina Mons, Berna, Roman at Erwin.

Kaibigan ni John Lloyd ang isa sa mga kapatid ng yumao na si Erwin Romulo kaya malapit siya sa pamilya nito.

Nagkita sila roon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Although nagbatian at nagkamayan sina Pangulong Duterte at John Lloyd, hindi namin alam kung binati ni Ellen ang pangulo. Naging ex-boyfriend ni Ellen ang anak ni Digong na si Baste.

Pagkatapos na makita sina John Lloyd at Ellen sa burol ay lumipad naman patungong New York, USA ang actor para dumalo naman sa kasal ng kanyang pinsan at makipagkita na rin sa kanyang dalawang kapatid na naka-base sa Amerika. Hindi niya kasama si Ellen doon.

Samantala, nagtataka ang marami kung bakit hindi pa rin bumabalik sa taping ng “Home Sweetie Home” sina John Lloyd at Ellen.

Since naka-indefinite leave of absence si John Lloyd sa ABS-CBN, walang nakakaalam kung kelan ito babalik sa  trabaho.  Mukhang ganoon din ang drama ni Ellen.

BANGS, BABY GIRL ANG ISISILANG

BABY girl ang nakatakdang isilang ng Davao-born Viva actress-painter na si Bangs Garcia at ng kanyang Fil-British husband na si Lloydie Birchmore. They will name her Amelia.
    
Bangs is due to give birth on December 6, 2017 in London kung saan ngayon naka-base ang mag-asawa.
    
Sina Bangs at Lloydie ay unang nagkakilala sa Boracay in January 2015 habang nagbabakasyon ang actress with her friends.  In January 2016 ay nag-propose ng marriage si Lloydie kay Bangs at sa buwan din ng January  2017sila ikinasal sa Boracay.
    
Ayon kay Bangs, tatlong beses umano silang nagpakasal ng kanyang husband.  Isang civil wedding sa London habang ang church at beach wedding naman ay nangyari sa Pilipinas.
    
Sinabi ni Bangs na masaya umano siya sa piling ni Lloydie dahil sobra umano itong mabait, loving, thoughtful,  very supportive at excited sa kanilang lalabas na baby.
    
Bangs is not totally closing her doors to showbiz.  Kapag meron daw magandang project ay tatanggapin niya ito with her husband’s blessing.

SYLVIA, KAKAIBA ANG BAGONG ROLE BILANG INA

THERE’S no stopping veteran and award-winning actress Sylvia Sanchez.
    
Matapos itong magbida sa hit afternoon TV series na “The Greatest Love” kung saan nakilala ang character niyang si Gloria, isang mapagmahal at selfless mother sa kanyang mga anak na eventually ay nagkasakit ng Alzheimer’s disease, isa na namang ina ang gagampanan ni Sylvia bilang Sonia sa bago nitong teleseryeng ‘Hanggang Saan” na pagsasamahan nila for the first time ng panganay niyang anak na si Arjo Atayde, who, for the first time din ay gaganap na mabait na anak. Gaganap namang nakababatang anak ni Sonia si Yves Flores.
    
Dream come true naman para sa mag-inang Sylvia at Arjo ang pagsasama nila sa isang  heavy family drama na “Walang Hanggan” na pinamamahalaan nina Jeffrey Jeturian at  Mervyn Brondial, dalawa  sa mga naging director ng “The Greatest Love”.
    
Sayang nga lamang at hindi nila kasama sa nasabing serye ang isa pang anak ni Sylvia na si Ria Atayde na nagpakita ng husay sa seryeng “My Dear Heart.” Bukod kina Sylvia, Arjo at Yves, tampok din sa “Hanggan Saan” sina Maris Racal, Marlo Mortel, Nikko Natividad, Rommel Padilla, Nanding Joseph, Anna Luna, Mercedes Cabral, Rubi Rubi, Veveika Ravanes, Sharmaine Suarez, Ces Quesada, Arnold Reyes, Maila Gumila at Junjun Quintana.
    
Samantala, ayaw kuning mag-isa ni Sylvia bilang female lead ang kredito ng serye dahil isa umano itong ensemble.  Kung magsa-shine ang kanyang character as Sonia, gusto rin umano niyang lumutang ang bawat character na ginagampanan ng kanyang mga kasamahan sa serye.

YVES, ISUSUNOD KAY JOSHUA

SAMANTALA, kung sa “The Greatest Love” ay lumutang ang character na ginampanan ni Joshua Garcia bilang apo ni Sylvia, ganundin kaya ang mangyari kay Yves Flores?
    
Ayon sa mag-inang Sylvia at Arjo, sobra umanong mahusay sa serye si Yves at inaasahan nilang magsa-shine  sa serye.
    
Close na magkaibigan sina Arjo at Yves at parang anak na rin ang turing sa kanya ni Sylvia kaya tuwang-tuwa ang dalawang young actors nang sila’y pagsamahin sa “Hanggang Saan” na magsisimula nang mapanood  on November 27, araw ng Lunes.