JM, nag-palpitate sa presscon!

October 31, 2018
JM de Guzman

KABADO si JM de Guzman bago humarap sa media launch ng comeback movie niyang Kung Paano Siya Nawala under TBA Studios sa High Grounds Cafe kahapon.

Eh, bigla pa siyang nag-palpitate nang uminom siya ng kape, huh!

Hindi sikreto ang nangyari sa personal na buhay at career ni JM dahil sa drugs.

Pero ngayon, eh, mabenta na siyang muli sa TV at sa pelikula.

Ano ang realization niya ngayong nakabalik na siya matapos madapa?

“Na-realize ko after ng series ng pagkakadapa ko is hindi ko ina-appreciate ang lahat ng bagay na meron ako. Maliit man o malaki ang problemang dumating sa akin, mabilis akong bumagsak.

“Hindi ko naa-appreciate o wala akong pinahahalagahang bagay. Since nakakagulat na tinanggap uli ako, may opportunities na dumarating tulad nito, hindi ko na inisip na gawin uli ’yung dati o bumalik uli sa dati,” paliwanag ni JM.

So hindi na siya mawawala, huh?

“Sana! Tingnan po natin!” bulalas ng aktor.

Eh, kumusta naman siya ngayon pagdating sa pag-ibig?

“Hahaha! It’s still a scary thing for me. Alam ko kung ano ang puwede niyang gawin sa akin, positive or negative. Something na hindi ko dapat minamadali at dapat inaalagaan,” rason ni JM.

Si Rhian Ramos ang kapareha ni JM sa movie at hindi lang sila artista rito kundi producers pa.