JM inaming na-friend zone ni Angelica

November 08, 2018
Angelica Panganiban and JM De Guzman
Angelica Panganiban and JM De Guzman

INAMIN ni JM de Guzman na pumorma siya kay Angelica Panganiban.

Pero mukhang na-friend zone ang binata pagkatapos kaya hindi niya ito itinuloy.

Lately, naging close uli si Angel sa ex na si Carlo Aquino. Nakita pa silang magkasama sa Japan.

Aprubado naman ang CarGel fans kung totoo ngang nagkabalikan na ang dalawa.

Back to JM, willing daw naman siyang makipagpareha muli sa ex na si Jessy Mendiola. "Basta maganda ang project," aniya.

Pero wala na raw siyang balak balikan pa ito tulad ng dati. Hindi man niya maituturing na close friend, kabatian naman niya ang BF ngayon ni Jessy na si Luis Manzano kapag nagkikita sila sa ABS compound.

May communication pa rin naman daw sila ng leading lady na si Barbie Imperial at gusto pa rin niya itong makasama muli sa isang project. Kung mangyayari ito, baka si Barbie na nga ang muling magpapatibok ng puso ng actor singer sa tamang panahon.