Jessy, napagtripan ng bashers

October 22, 2018
Jessy Mendiola

Si Jessy Mendiola na naman ang napagtripan ng bashers. Pinuna ang lagi raw pagpo-post ng aktres sa sarili nitong Instagram (IG) ng picture na laging naka-swimsuit. Pero kung itsi-check mo ang IG ni Jessy, ang tagal na nitong walang post na naka-bikini.

May basher din na nag-comment na wala na raw ginawa si Jessy kundi maghubad at pinayuhan pa ang aktres na maghinay-hinay sa paghuhubad dahil nakakasawa.

Maganda ang payo ni Jessy sa nagreklamong panay ang pagpo-post niya na naka-two-piece at nagbanta pang i-a-unfollow her, ang sabi ni Jessy, i-unfollow na lang siya kesa ma-stress pa ang basher.

“’Di ko alam na bawal pala magbikini sa beach?! Hubad agad? Di ba pwede nakaswimsuit lang??? Hustisyaaa beees!” sagot ni Jessy sa basher na pinunang lagi raw nakahubad si Jessy sa IG post niya.

Si Luis Manzano ang magaling mambara ng bashers, sayang at hindi pa nagre-react si Luis sa pamba-bash sa GF niya. Hintayin ng mga basher ’pag sinipag nang sumagot ni Luis.