5,650 guests

Jessy, goodbye sa show matapos tanggihan ang sexy outfit

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1213

HINDI na mapapanood sa Sunday afternoon gag show ng ABS-CBN na “Banana Sundae” ang girlfriend ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola at ang isa sa mga itinuturong dahilan ay ang pagkakaroon umano ng problema sa pagitan ni Jessy at ang assistant wardrobe in charge ng programa dahil ayaw umanong isuot ni Jessy ang isang sexy outfit  para sa nasabing programa.

Since kaibigan umano ni Luis ang nasabing wardrobe assistant, ito pa umano ang namagitan para magkaayos sila ni Jessy pero hindi malinaw kung nagkaayos nga ang dalawa.

WENCY, ’DI UMASA SA SIKAT NA INA

ANG ‘Golden Boy’ at dating lead vocalist-composer ng 90’s Pinoy rock/pop band na Afterimage na si Wency Cornejo ay isa sa apat na anak ng veteran news anchor at TV host na si Mel Tiangco. But made it on his own without banking on the popularity of his mom.
    
During his high school days at De La Salle -Greenhills, dalawang beses  nag-audition si Wency para  mapabilang sa kilalang high school group, ang Kundirana pero hindi siya pinalad.  Ang mga successful past members ng Kundirana ay sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Randy Santiago, Rannie Raymundo, Dingdong Avanzado, Juan Miguel Salvador, Dingdong Eduque, Louie Ocampo, Mel Villena, Gian Magdangal, Mon Faustino, Montet Acoymo, Monet Silvestre, Carlo Orosa, Vince Alaras, Von de Guzman at iba pa.
    
During his college days sa De La Salle University, mahilig kumanta si Wency sa kanilang Laboratory class at ito’y napansin ng isa niyang kaklase na siyang nagsabi sa kanya na may isa umanong banda ang nangangailangan ng singer, ang Afterimage.  Luckily for him, agad natanggap si Wency at dito na nagsimula ang kanyang professional career bilang singer na nagsimula in 1990 hanggang 2001.
    
Si Wency ang naging lead vocalist at primary composer ng Afterimage, isa sa mga sikat na Pinoy rock band in the 90’s na nakapaghatid ng maraming hits tulad ng “Habang May Buhay,” “Tag-ulan,” “Next In Line,” “Tag-Araw,” “Pagtawid,” “Forevermore,” “Only You,” “All In The Heart,”  at iba pa.
    
Ang Afterimage ay pinarangalan ng Best Performance by a New Group ng Aliw Awards na sinundan ng Album of the Year
    
After 11 years, na-disband ang Afterimage. Nagkanya-kanya na ang ibang members ng grupo at dito naman nagsimula ang solo career ni Wency. Nakagawa  siya ng apat na solo albums at nakakuha ng parangal bilang Best Tradition Recording, Best Musical Arrangement at Best Ballad Recording for his composition na “Hanggang”.
    
Although may 17-year-old son na si Wency, ang kanyang mag-ina ay kapisan ng kanyang inang si Mel Tiangco habang si Wency ay mag-isang namumuhay sa Davao City dahil gusto umano niya ang tahimik na lugar.
    
“Pero ngayon hindi na rin gaanong tahimik ang Davao and I’m contemplating in moving to Dumaguete,” pahayag ni Wency na siyang may pakana ng “The 90s Live! Rare Reunion concert ng iba’t ibang lead vocalists ng mga kilalang rock bands in the 90s na gaganapin sa The Theatre in Solaire Resort & Casino on July 22, Saturday sa ganap na ika-8 ng gabi.
    
Bukod kay Wency ng Afterimage, kasama rin sa “The 90s Live!” sina Jett Pangan ng The Dawn, Paco Arespacochaga ng Introvoys, Cooky Chua of Color It Red, Medwin Marfil ng True Faith, Dong Abay ng Yano, Naldy Padilla ng Orient Pearl, Perf de Castro ng Rivermaya at Lei Bautista ng Prettier Than Pink.
    
Sina Paco, Perf at Lei ay pare-pareho nang naka-base sa Amerika at umuwi lamang ng Pilipinas for the “The 90s Live!” reunion concert.
    
“Nabuo ang proyektong ito out of friendship,” pagmamalaki ni Wency.
    
“Ni wala kaming pinag-usapang budget, pero meron naman kahit papano pero walang nag-demand sa kanila kung magkano ang dapat nilang tanggapin.  Nakakatuwa dahil pare-pareho kaming excited for this reunion concert,” patuloy ni Wency.
    
Ayon kay Wency, nung simula ay gusto lamang niya umanong magkaroon ng reunion concert either sa Teatrino, Music Museum at KIA Theater pero ang Solaire ang unang nagkaroon ng interes sa proyekto.
    
Gayunpaman, umaasa si Wency na madadala sa bigger venues ang “The 90s Live!” ganundin ang pagkakaroon nila ng concert tour para sa kanilang mga kababayan sa iba’t ibang bansa.

ANAK NINA MARK AT JOLINA, AYAW PAHAWAKAN SA IBA

NUNG nakaraang Linggo (July 16) ay naging in-studio guests namin sa “Inside Showbiz” on DZRJ 810 AM Radio (8 TriMedia) ang dalawa sa apat na present members ng Pinoy rock band na Rivermaya na sina Mark Escueta at Mike Elgar habang hindi naman nakarating sina Nathan Azarcon at Ryan Peralta.
    
Ang Rivermaya ay nabuo in 1994 na buo pa rin hanggang ngayon although marami nang members ang nawala sa kanila at kabilang na rito sina Rico Blanco, Bamboo, Perf de Castro, Japs Sergio, Kakoy Legaspi, Jayson Fernandez at Norby David.
    
Hindi ba naman naapek-tuhan ang grupo sa pagkawala ng kanilang mga popular frontmen tulad nina Rico at Bamboo?
    
“We have to admit na talagang naapektuhan kami nang mawala ang aming popular front men sa grupo but our passion for our music and band ang siyang naging inspirasyon namin upang ipagpatuloy ang aming band,” lahad ni Mark habang karga-karga ang kanilang three-year-old son na si Pele ng wife niyang si Jolina Magdangal.
    
Si Mark ay isa sa founding members ng Rivermaya at si Mike Elgar naman ay nasa ikalawang generation ng band kung saan siya kabilang for 16  years now.
    
Rivermaya is now working of their new album under Star Music at nakalabas na rin ang kanilang carrier single na pinamagatang “Manila”.  Nakatakda rin silang magtanghal sa The Tent ng Metrowalk on July 22 at sa Music Museum on September 22, 2017 at 7:30 p.m. with Kyla kung saan naman guest performers sina Nisha Bedana at RJ Agustin para sa first anniversary celebration ng Change Foundation, Inc.
    
Samantala, si Jolina Magdangal ang sumundo sa kanyang mag-amang Mark at Pele sa DZRJ na nanggaling naman sa “ASAP”.  The couple are hands-on parents to Pele at wala silang yaya sa bata. Sila mismo ang nakatutok dito despite their respective busy schedules.
    
Ang mag-asawang Mark at Jolina with their son Pele ay nakalipat na sa kanilang sariling bahay sa isang exclusive subdivision in Quezon City last December 2016.  Mark converted one of the rooms as his own recording studio kung saan siya nagsusulat at nag-a-arrange ng sarili niyang komposisyon.
    
Kahit mahigit three years old pa lamang si Pele ay nakakakitaan na ito ng talent sa pagkanta na obviously ay minana niya sa kanyang parents na sina Mark at Jolina.

SOBRANG IN DEMAND: YASSI, PATI PAMPABANGO NG KILI-KILI, INIENDORSO

HINDI maikakaila na ang tinatamasang popularity ngayon ng Viva star na si Yassi Pressman ay dahil sa kanyang magandang exposure sa long-running at top-rating action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.  Ito rin ang dahilan kung bakit  indemand ngayon ang 22-year-old Fil-Brit young star sa mga product endorsement na ang pinakabago ay ang Nivea Deo Serum.  Si Yassi ang kauna-unahang Filipina endorser ng nasabing produkto.
    
Yassi was formally launched as celebrity endorser ng Nivea Deo Serum na ginanap sa Monet Ballroom ng Novetel in Quezon City last Sunday ng tanghali.
    
Bago totally naka-take off ang career ni Yassi ay naging talent din siya ng GMA at TV5 pero sa Kapamilya Network siya napansin nang husto.
    
Yassi is currently working on her  new movie under Viva Films, ang “Ang Pambansang Third Wheel” na pinagsasamahan  nila for the first time ng Kapamilya singer-actor an si Sam Milby kasama ang childstar na si Alonzo Muhlach.

HAPPY BIRTHDAY

PERSONAL:  Belated birthday greetings to our colleagues na sina Ricky Calderon at Julie Bonifacio.  More blessings to come.