Jennifer Garner, balik-aksyon sa ‘Peppermint’

September 23, 2018

Ang action thriller na Peppermint na pinagbibidahan ni Jennifer Garner ay tungkol kay Riley North, isang babae na nagkamalay mula sa pagkaka-coma at nalaman niyang hindi nakaligtas ang kanyang asawa at 10 taong gulang na unica hija sa isang drive-by shooting sa karnibal.

Thumbnail
Jennifer Garner

Dahil malinaw niyang naaalala ang mga pang-yayari, nakipagtulungan siya sa mga pulis upang matukoy ang mga salarin.  Subalit ang mga tiwaling hukom at pulis na bayaran ng makapangyarihang drug cartel ay nagsab-watan para mabalewala ang kanyang testimonya at tuluyang mabasura ang kaso.

Dala ng kanyang ma-tinding poot, sinanay ni Riley ang kanyang isipan at katawan para sa pakikipaglaban.  Ilang taon siyang nagtago, at sa kanyang pagbabalik, isa na siyang mapusok na vigilante na hindi magawang masukol ng mga pulis.

Hindi siya titigil hang-ga’t hindi siya nakapaghi-higanti sa mga taong nagkait sa kanya ng hus-tisiya.

Si Pierre Morel, ang kilalang director ng Taken at The Gunman ay pumayag agad na idirek ang pelikulang ito dahil nagustuhan niya ang ideya kung paano mababago ng isang trahedya ang pagkatao ng isang ordinaryong tao.

Aniya, “Trying to figure out how a regular human being reacts when hit with such a dramatic and brutal situation was compelling to me.”

Hindi rin pinalampas ni Jennifer Garner ang papel na ito kahit na 11 taon na ang nakalilipas nang huli siyang sumabak sa action scenes.  Ang aktres ay nakilala sa TV series na Alias, at action-heavy feature films tulad ng Elektra at The Kingdom.

Para magampanan ang kanyang karakter, mahabang oras sa bawat araw ang ginugol ni Garner para magsanay ng iba’t ibang istilo ng pakikipaglaban gaya ng Krav Maga at boxing, at meron rin siyang  weight training.

Tinuruan din siya ng mga miyembro ng Navy SEALs para sa tamang paghawak at paggamit ng iba’t ibang armas.

Ayon kay Direk Morel tamang-tama ang timing ng pagdating ng pelikulang ito sa buhay ni Garner na isa na ring ina. Dahil dito makatotohanan ang naging pagganap niya sa kanyang karakter.

“This role feels like it came at the exact right moment in her life, she truly is that kind and committed mom who lives for her family and has a deep connection to the emotion of the story. That connection helps us believe that after such terrible loss someone could snap and come back as somebody else and basically take out everybody involved.”

Inamin ni Garner na napag-usapan nila ni Direk Morel kung tama ba ang maghiganti, at nagkasundo sila na ito ay isang komplikado at interesanteng tema na magandang talakayin sa isang action film.

Mapapanood na ang Peppermint sa mga sinehan nationwide simula sa September 26.  Handog ng Viva International Pictures at MVP Entertainment.