6,284

Jasmine, opisyal nang Kapuso

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 525

OFFICIAL Kapuso artist na si Jasmine Curtis-Smith. Pumirma siya sa GMA Network kahapon. Ito ang inihayag sa Facebook at Instagram  accounts ng Kapuso PR Girl.

Present sa contract signing ni Jasmine sina GMA Chairman and CEO  Atty. Felipe L. Gozon, Senior Vice President for GMA Entertainment Content Group Lilibeth G. Rasonable, Senior Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara at co-manager na si Betchay Vidanes.

After maging contract star ng TV5, mas pinili ni Jasmine ang maging Kapuso kesa samahan ang Ate Anne (Curtis) niya sa Channel 2.
    
Aprubado naman ang paglipat ni Jas ng ilang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil nakasama niya ang AlDub loveteam sa Imagine You & Me movie kaya request nila ay huwag siyang i-bash, huh!
    
Sa mga nakaraang tweet naman ni Anne, pa-suspense ang mensahe niya sa bagong kaganapan kay Jas, pero hindi muna niya ito binisto.
    
Samantala, nag-renew naman ng contract sa GMA si Barbie Forteza kahapon dahil second home na para sa kanya ang Kapuso Network.

* * *

PRESENT sina Vhong Navarro at Bianca Lapus sa high school graduation ng anak nilang si Isaiah Navarro. Kanya-kanya sila ng madamdaming message sa anak sa kani-kanilang Instagram.
    
Of course, kahit hiwalay na sila ni Vhong at may iba nang girlfriend/partner, ipinagmalaki pa rin ni Bianca ang pagiging great father ng comedian-TV host sa anak.  
    
Wala raw siyang regrets sa parteng ’yon ng kanyang buhay, sey pa ni Bianca.
    
Sa ngayon, tinatapos ni Vhong ang Regal movie niyang Unlilife, kung saan kapareha niya si Winwyn Marquez o Teresita Ssen.