Jasmine, nakulitan sa GMA-7 kaya inisnab ang ABS-CBN!

October 06, 2018
Jasmine Curtis
Jasmine Curtis

Nilinaw ni Jasmine Curtis-Smith na hindi dahil sa mas magandang magbayad ang GMA-7 kaya ito ang pinili niya over ABS-CBN.

Ayon kay Jasmine nang makausap namin sa presscon ng first drama series niya sa Kapuso network, ang Pamilya Roces, hindi raw ang TF (talent fee) ang naging dahilan.

“Wala sa amin ’yun, kasi if you think about it naman, lahat naman ng artista, bayad. Nasa kung gaano ka lang ka-in-demand at the moment, kung in season ka ba, kung may serye ka ba sa panahon ngayon.

“Kasi, kung hindi mo naman ’yun kikitain sa taping, kikita ka sa endorsements o sa digital media.

“So, for us, the payment, that’s the pinaka-last na kinonsider namin, kasi let’s be real and practical, it’s also part of the package but for us, kasi ang consideration namin talaga is... well, sila (GMA-7) ’yung pinaka-naghintay, nangulit, mas warm ’yung... nandu’n kami ni Mama Betch (Betchay Vidanes, her manager), mas nandu’n talaga kami sa side nagli-lean.

“So, it was never a question of ‘saan ba tayo mas kikita?’ but more of like  saan ba tayo magiging mas happy. But at the same time, hindi lang sa work, pero sa personal din. Na kaya mong balansehin. Saka pasok sa kung sino ako ngayon,” mahabang esplika ni Jasmine.

Aminado naman ang aktres na talagang parehong nag-offer sa kanya ang dalawang major networks at ang GMA-7 nga raw ang talagang mas naging persistent at matiyagang naghintay sa kung kelan siya ready na bumalik na ulit sa TV.

Of course, kinonsulta niya raw ang Ate Anne Curtis niya tungkol dito at ang gusto nga raw nito ay sa ABS-CBN na lang siya para magkasama na sila.

“But for me kasi, I’ve always enjoyed having my own world, having my own thing going on. Although hindi naman ‘yun naging factor, it’s more of I guess, ’yung culture ng work ko ngayon mas tugma with GMA.

“And also, mas makulit lang talaga si GMA with wanting me to be part of the network. So, talagang do’n nauwi ang desisyon.”

Isang malaking teleserye agad ang ibinigay kay Jasmine ng Kapuso, ang Pamilya Roces with no less than Joel Lamangan at the helm na first time niyang nakatrabaho kaya naman happy and very thankful si Jasmine.

At nang magsimula na siyang mag-taping ay wala naman daw siyang masabi sa kung gaano ka-warm ang pagtanggap sa kanya ng lahat ng mga kasama niya.

Set to premiere this Monday, October 8, kasama rin sa cast ng Pamilya Roces sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Shaira Diaz, Ana Roces, Christian Bautista, Rocco Nacino, Andre Paras, Gloria Diaz, Roi Vinson, Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Mika dela Cruz at Manolo Pedrosa.