Janno balik-Viva, aktibo na naman

October 20, 2018
Janno Gibbs with Vic del Rosario and Veronica del Rosario
Janno Gibbs with Viva boss Vic del Rosario and Veronica del Rosario

BALIK-Viva naman ang singer-composer at actor-comedian na si Janno Gibbs na nag-sign-up ng exclusive management contract with Viva Artists Agency (VAA).

May labindalawang  taon din ang binilang ni Janno bago siya nag-desisyon na bumalik sa bakuran ng Viva kung saan niya inaasahang muling mabibigyan ng pagkakataon ang kanyang singing and movie career.

Kamakailan lang din ay pumirma si Janno ng exclusive recording contract with Star Music ng ABS-CBN kung saan siya naghahanda ng kanyang first album sa nasabing kumpanya.

Bukod sa paggawa ng pelikula and hopefully maging sa mga shows and concerts, magiging aktibo rin si Janno sa pagku-compose ng mga new songs at open siyang makipag-collaborate with other composers.