6,041

Peace offering

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 410

Tito Sen, nag-leave sa ‘Bulaga’

NAGBIGAY na ng peace offering si Janella Salvador sa inang si Jenine Desiderio, ayon sa ilang malalapit na kaibigan ng young actress.

Kaya naman kapansin-pansin ang hindi pag-eksena ng ina sa publicity ng ipalalabas na movie ni Janella na So Connected kapareha si Jameson Blake, huh!

Feeling tuloy ng ilang showbiz observers, kay Elmo Magalona umaayaw si Jenine.

But let’s give her the benefit of the doubt dahil as a mother, she knows best for her daughter.

Aba, dapat maging proud si Jenine sa mahusay na performance ni Janella sa So Connected.

Malaki ang improvement niya sa pag-arte kaya naman kainggit-inggit ang talent niya dahil magaling nang kumanta at sumayaw, may lalim din sa pag-arte.

Kahit nasanay na kasama si Elmo sa nakaraang pelikula, swak na swak din ang team-up nila ni Jameson na may ibubuga rin sa pag-arte.

May hatid silang kilig at bagay na bagay ang characters nila sa isang kuwento ng love story na set sa panahon ng social media at cellphone applications na hit na hit sa mga kabataang tulad nila.

Sa isang banda, nagbabalik-pelikula si Jenine sa Regal movie na Hopeful Romantic, kung saan bida sina Ritz Azul at Pepe Herrera.

* * *

KINUMPIRMA ni Senator Tito Sotto na nag-leave na siya sa Eat Bulaga bilang host para na rin makapag-focus sa bago niyang posisyon bilang Senate president.

Kapag may special occasion sa programa, a-appear siya ’pag sakto rin lang sa schedules niya.

Sa interview nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa bagong Senate president, ibinalita niyang nu’ng nanumpa siya, pigil na pigil sa pag-iyak ang asawa niyang si Helen Gamboa.

“Of course, Helen is very happy. Baka naiiyak siya dahil mas marami akong trabahong haharapin ngayon, hahaha!” biro ng Senate president.

* * *

BUWAG na ang Gabbi Garcia at Ruru Madrid loveteam.

Opisyal na itong ipinahayag ng GMA Artist Center sa inilabas na official statement.

Nagsimula ang GabRu loveteam sa series na Let The Love Begin at nagtapos sa Sherlock Jr.

Ayon sa GMAAC, bibigyan sila ng magkahiwalay na projects upang lalong mapagbuti ang kanilang solo careers.

Nagpasalamat naman si Gabbi sa fans nilang dalawa na sumuporta sa kanila ni Ruru sa loob ng apat na taon. Humingi rin siya ng pang-unawa at humiling na tanggapin nang maayos ang paghihiwalay nila ni Ruru.