Janella nagsalita na sa 'pananakit' ni Elmo

October 25, 2018
Janella Salvador
Janella Salvador

NGAYONG nagsalita na si Jannela Salvador na may kinalaman sa totoong pangyayari sa pagitan nila ng kanyang ka-loveteam at rumored boyfriend na si Elmo Magalona, kailangan na rin sigurong magsalita ang young actor na may kinalaman umano sa kanyang ginawang pananakit sa dalaga na dalawang beses umano nitong ginawa at a time. Nakainom daw ang binata ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona at ng talent manager wife nitong si Pia Arroyo-Magalona nang mangyari ito.

Nalungkot ang fans ng ElNella (Elmo and Janella) dahil tila buwag na ang tambalan ng kanilang mga idolo.

Dahil may previous commitment na ang dalawa sa Canada in November, ito na marahil ang maging huling pagsasama ng dalawa at aware dito ang Star Magic maging ang kanilang respective co-managers na sina Manny Valera at Pia Arroyo-Magalona.

Samantala, ayaw namang makisawsaw ng ex-girlfriend ni Elmo, ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez dahil matagal na silang wala ni Elmo at masaya siya (Janine)  ngayon sa takbo ng kanyang career maging sa kanyang personal na buhay with her rumored boyfriend, ang bagong Kapuso, ang singer-actor na si Rayver Cruz.