6,888

Jane, sinagot ang ‘late issue’

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 655

Sinagot ni Jane Oineza ang isyung late siya sa presscon ng Haunted Forest at pinaghintay niya ang
press people. Nasulat ni Lolit Solis ang late na pagdating ni Jane sa Instagram (IG) at sinagot ni
Jane sa Twitter.

“Hi everyone FYI lang din po our calltime for the presscon yesterday is 5 p.m., not 3 p.m.
Baka calltime ’yon ng iba thank you.”

Nagalit ang fans ni Jane kay Lolit dahil sa post nito na hindi sinabayan ang galit ng fans sa
kanya. Pangaral lang daw ang sa kanya at kung may mali siyang nasulat, “I take the blame. Wala
problema, iyon reklamo ko baka ako lang naman ang nainip, hindi naman siguro makakaapekto ’yun kay
Jane.”
    
Ayan, tapos na ang isyu, alisin na ang galit at magtulungan i-promote ang Haunted Forest para
matupad ang wish ng cast na mapasama ito sa Top 3 ng box-office.

* * *

Nakakatawa ang official poster ng Deadma Walking na parehong nakaupo sina Joross Gamboa at Edgar Allan
Guzman at sa dalawa, mas beki si Edgar sa kanyang pose. Sa poster pa lang, alam mong matatawa at
masisiyahan ka sa pelikula.
    
In fact, puro positive ang naririnig naming feedback sa nakapanood na sa celebrity screening
ng Deadma Walking. Dagdag na pangkumbinse para panoorin ang MMFF entry ang pinost ni Edgar na mga
rason kung bakit dapat panoorin ang pelikula sa direction ni Julius Alfonso at produced ng T-Rex
Entertainment.
    
Palanca award-winning screenplay ito. Mula ito sa producer ng Patay Na Si Hesus na sobrang
nagustuhan namin at nagpatawa sa amin nang husto. Best-selling book ito at official entry sa MMFF.
Hindi isinama ni Edgar Allan sa mga rason na graded A ito ng CEB, the first of the entries na graded
A.
    
Kasama sa cast sina Dimples Romana, Vin Abrenica at Candy Pangilinan. May special
participation sina Gerald Anderson at Eugene Domingo.

* * *

Hindi na lang ang P.A. ang nakakasamang kumain at lumabas ni Alexander Lee, dalawa na sila ng kapwa
Korean actor na kasama rin sa cast ng My Korean Jagiya. Nakita namin sa IG story ni Alexander na nasa
restaurant sila ni Andy at kumakain.
    
Anyway, sinuportahan ni Alexander ang celebrity screening ng Deadma Walking nina Joross Gamboa
at Edgar Allan Guzman sa UP Town Center. Magkasama sa My Korean Jagiya sina Alexander at Edgar at
magkaribal kay Heart Evangelista, but in real life, friends sila, kaya kahit hindi masyadong
naintindihan ang pelikula, nanood pa rin si Alexander at tiyak na tumawa rin nang husto
    
Sa mga gustong makita nang personal si Alexander, punta kayo sa Fisher Mall sa December 23,
may meet-and-greet ito at guests daw sina Heart, Andy, Gil Cuerva at David Kim na babalik ng bansa
para suportahan si Alexander sa kanyang fanmeet.